Facebook

Giannis, triple-double sa panalo ng Bucks vs Wizards

PINOSTE ng Milwaukee Bucks ang kanilang ikaapat na sunod na panalo matapos nilang dominahin ang Washington Wizards, 133-122,kahapon sa Capital Arena sa Washington.
Pinamunuan ni Giannis Antetokoumpo ang opensiba ng Bucks sa kinamadang 31 points,15 rebounds at 10 assists para sa kanyang ikatlong dikit na triple-double.
Kumayod nang husto ang Milwaukee para makabawi matapos nilang sayangin ang 26 points noong third quarter.
Nang makahabol ang Wizards sa huling minuto ng laro, nagpasok si Antetokounmpo ng apat na sunod na puntos upang ilayo ang Bucks at hindi na mahabol pa ng kalaban ang iskor.
Sa panig ng Washington, hindi naman nagbunga ang 37 points ni Bradley Beal, na naglaro muli matapos magpahinga ng isang laro dahil sa pananakit ng tuhod.

The post Giannis, triple-double sa panalo ng Bucks vs Wizards appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Giannis, triple-double sa panalo ng Bucks vs Wizards Giannis, triple-double sa panalo ng Bucks vs Wizards Reviewed by misfitgympal on Marso 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.