ANG mga LAW ENFORCER ay dapat na modelo sa pagpapairal at pagsunod sa mga itinatakda ng batas at hinde ang maging mapang-abuso.., upang huwag matulad sa sinapit ng isang enforcer mula sa NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE (NCRPO) na hinatulan ng QUEZON CITY PEOPLES LAW ENFORCEMENT BUREAU (PLEB) sa pagkakatanggal sa serbisyo dahil sa pagiging barumbado kapag nalalasing sa kanilang lugar sa QUEZON CITY.
Bukod sa pagkakatanggal sa serbisyo ay kinansela rin ang kaniyang eligibility, tinanggalan ng retirement benefits at hinde na rin maaari pang makapagtrabaho sa alinmang government agencies si P/Staff Sgt. AUDIE BISCARRA. Ito ay matapos na makitaan ng walang-alinlangang pagkakasala sa grave misconduct, partikular na ang oppression and conduct unbecoming of a police officer.
Ang kaso ay nag-ugat sa reklamo ng isang VILMA BALLAO na 3 beses umanong nanakot, nagbanta at nanakit si BISCARRA sa kaniyang anak na si JASON BALLAO.
Unang kaganapan ay noong May 15, 2020 matapos makipag-inuman si BISCARRA sa kanilang lugar na wala itong suot na facemask ay pinagbantaan at sinuntok nito sa mukha si JASON.
Makaraan ang 2-araw May 17 na noo’y lasing si BISCARRA ay pinagsisigawan at pinagbabantaan ang BALLAO family. Sa ika-3 insidente ay noong August 20 na lasing noon si BISCARRA ay pinagtutukan nito ng kaniyang baril ang mga kalugar at naglitanya na “Ano papalag ka ba? May atraso ka sa akin,” bago tinungo nito ang pamamahay ng mga BALLAO na makaraang makita nito si BRYLLE BALLAO ay pinagbantaan nito sa paglilitanyang “Papatayin kita, babarilin kita, ikaw yung sumuntok sa akin noon”.
Ang BALLAO ay pinaboran ng QC-PLEB dahil sa mga isinumiteng dokumento tulad ng writtent statement ng mga testigo, CCTV footage at Barangay Blotter Entry.
Sa naging pagpataw na dismissal sa serbisyo ni BISCARRA ay ipinunto ng PLEB na ang una ay nasuspende sa NCRPO dahil s pagliban na walang kaukulang paalam para sa pag-liban nito sa trabaho.
“Let this decision serve as public notice that the PLEB, at least, our QC PLEB, will not shirk of its duty to serve the ordinary citizens in need of the law,” pahayag ni PLEB EXECUTIVE OFFICER ATTY. RAFAEL CALINISAN.
Pinuri naman ni QC MAYOR JOY.BELMONTE ang PLEB sa pagpapataw ng katarungan laban sa mga naghaharing-anay mula sa hanay ng LAW ENFORCERS.
“Time and again, the Quezon City police have proven that they act with utmost professionalism and integrity. However, we will not tolerate abusive behavior by the police,” pagpupunto ni MAYOR BELMONTE.
Hayan mga ka-ARYA.., lalo na mga ENFORCER na huwag umabuso sa inyong kapangyarihan bagkus pangalagaan ang inyong propesyon dahil pinaghirapan ninyo iyan mula sa pagtatapos ng kolehiyo at sangkaterbang mga pagsusulit ang dinaanan bago kayo naging ganap na mga enforcer.., ika nga, kayo na LAW ENFORCERS ang maging MODEL ng sambayanan sa pagpapairal at pagpapasakop sa mga batas na umiiral sa ating bansa!
***
MGA ADIK NA PULIS SIBAKIN SA SERBISYO!
Walang puwang na manatili sa serbisyo ang sinumang enforcer na user pa rin ng illegal drugs sa halip na maging kasangkapan sa pagbuwag ng drug syndicate sa ating bansa.
Katulad nitong isang POLICE CORPORAL mula sa REGIONAL POLICE SECURITY AND PROTECTION UNIT (RPSPU) 11 sa DAVAO ang kinumpiskahan ng firearm service makaraang bumagsak ito o nagpositibo sa isinagawang random drug test nitong nakaraang linggo.
Ipinunto ni OIC-PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP) LIEUTENANT GENERAL GUILLERMO ELEAZAR na si PCORPORAL DONREE GALL ADUG ay isasailalim sa pre-charge evaluation investigation at summary hearing procedure matapos na ang kaniyang URINE SPECIMEN ay nagpositibo sa METHAMPHETAMINE.
Ang naturang pulis kasama ng 40 pang personnel ng RPSPU 11 ay sumailalim sa random drug test sa CAMO CAPT. DOMINGO E LEONOR, SAN PEFRO ST., DAVAO CITY.., na tanging si ADUG ang nagpositibo sa paggamit ng ipinagbabawal na droga.
Bunsod nito ay ipinunto ni OIC ELEAZAR na kanilang ipagpapatuloy ang random drug test sa lahat ng kapulisan upang matukoy ang mga drug addict sa gayon ay masibak sa serbisyo at ganap na malinis ang imahe ng PNP!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.
The post Abusadong pulis hinatulan ng PLEB! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: