HINDI sang-ayon ang Metro Manila mayors sa pagpapairal muli ng enhanced community quarantine (ECQ) o kahit modified enhanced community quarantine (MECQ) sa capital region ng bansa. Ito ang sinabi ni Parañaque City Mayor Edwin, ang namumuno sa Metro Manila Council, sa katuwiran na kailangan nang makabangon ang ekonomiya. Aniya ilan sa mga alkalde ay nagpapatupad na ng isolated lockdowns, maging sa mga establismento. “Hindi natin pwede isakripisyo ang buong siyudad. Pwede naman na isailalim sa isolated or granular lockdown ang isang barangay lang dahil kailangan natin na maka-recover sa ating ekonomiya,”sabi nito. Kasabay nito, ibinahagi ni Olivarez na napagkasunduan ng 17 Metro Manila mayors na suspindihin ang lahat ng mga aktibidad sa Semana Santa dahil sa pagdami muli ng kaso ng COVID 19. Binanggit nito na walang papayagan na prusisyon, maging ang tradisyunal na ‘Salubong’ sa Pasko ng Pagkabuhay para maiwasan ang pagtitipon ng mga tao.
***
LPP PRESIDENT VELASCO PUMALAG SA
“VACCINE RECALL” NG DOH
Samantala umalma ang pinuno ng League of Provinces of the Philippines (LPP) sa hakbang ng Department of Health (DoH) na i-recall ang mga bakunang una nang naipadala sa mga lalawigan, para sa local frontliners. Sinabi ni LPP president at Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr., kakaunti lang ang nakarating sa kanila, ganun din sa iba pang mga lugar, kaya kung maaari ay hayaan na lang itong magamit doon.Una rito, iniutos ni Health Sec. Francisco Duque III na ibalik sa Metro Manila ang nasabing mga bakuna, para magamit sa medical workers na hindi nakatanggap ng supply sa unang bahagi ng vaccination program. Pero nilinaw ni Duque na hiram lamang ito at ibabalik din sa oras na may sapat nang dami ng bakuna. Dagdag pa ng kalihim, ang mga malalapit na probinsya lang sa Metro Manila ang kukunan ng bakuna, para hindi na kailangan pang bumyahe ng malayo.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Samantala, laging subaybayan ang palatuntunang “walang personalan trabaho lang” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00nn sa RADYO NG MASA entertainment net radio. Tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band at 10:00am-11:00am sa DWXR 101.7FM – Mapapanood livestreaming via Facebook at Youtube!
The post Pagbabalik sa ECQ o MECQ sa NCR, kokontrahin ng Metro Manila Mayors appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: