MULING depensahan ni IBF world super flyweight champion Jerwin Ancajas ang kanyang titulo sa ika – siyam na pagkakataon laban kay Jonathan Rodriguez ng Mexico sa darating na Abril 10 sa Uncasville, Connecticut.
Ayon sa trainer at manager ni Ancajas na si Joven Jimenez, idaraos ang sagupaan kahit na walang manonood na mga fans.
Huling tumapak sa ring si Ancajas (32-1-2, 22KOs) noong Disyembre 2019 nang madepensahan nito ang kanyang korona laban kay Miguel Gonzalez sa pamamagitan ng sixth-round technical knockout.
Habang si Rodriguez naman, na hawak ang 22-1 krtada na may 16 knockouts, ay huling sumabak sa boxing bout nito lamang Disyembre kontra kay Julian Yedras kung saan nagwagi ito via round one knockout.
The post Ancajas, vs Rodriguez sa Abril 10 appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: