Facebook

Away sa abuloy: Lolo hinataw ng pala ni bayaw

PUTOK ang ulo ng isang lolo nang hatawin ito ng pala ng kanyang bayaw dahil lamang sa abuloy ng namayapa nitong asawa sa Kalibo, Aklan.
Nilapatan ng lunas sa ospital ang biktima na kinilalang si William Nanit Sr. ng Magdalena Village, New Buswang, Kalibo; habang nadakip ang salarin na si Danilo Guiller ng Brgy. Linabuan Norte.
Sa report ng Kalibo Police Station, bago ang insidente ay nag-iinuman ang magbayaw sa labas ng tahanan ng biktima nang inungkat ni Nanit ang hinggil sa abuloy ng namayapa nitong misis na kapatid ni Guiller.
Ayon sa ulat, nagrereklamo ang biktima na hindi sa kanya napunta ang abuloy kaya nagpanting ang tenga ni Guiller at sa galit nito ay kumuha ng pala at hinampas sa ulo ang bayaw.
Agad dinala sa Aklan Provincial Hospital ang biktima para lapatan ng lunas, habang nadakip ng Kalibo PNP si Guiller at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

The post Away sa abuloy: Lolo hinataw ng pala ni bayaw appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Away sa abuloy: Lolo hinataw ng pala ni bayaw Away sa abuloy: Lolo hinataw ng pala ni bayaw Reviewed by misfitgympal on Marso 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.