Facebook

Sub leader ng ASG na kumidnap sa 8 Indo, timbog

NADAKIP ang sub leader ng Abu Sayyaf Group na kabilang sa mga kumidnap sa 8 Indonesian nationals sa operasyon sa Zamboanga.
Kinilala ang nadakip na si Bensar Jakiri alias Injimar Mangkabong, Injimal AndInji, sub leader ng teroristang ASG sa ilalim ng pamumuno ni Idang Susukan na nag-o-operate sa Sulu at Tawi-Tawi provinces.
Ayon kay Lt Gen. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, OIC PNP, si Jakiri kasama si Suhud Salmi alias Ben Wagas at ilang teroristang grupo ang sakay ng isang bangka de motor kasama ang 4 Indonesian nationals na lumubog nang hampasin ng malalakas na alon sa karagatan sakop ng Pasigan Laut, South Ubian, Tawi-Tawi noong Marso 18, 2021. Nasagip ng mga otoridad ang 3 Indons at nadakip si Salasim
Sa report, mayroon 6 warrant of arrest sa kasong kidnapping and serious illegal detention with ransom sa Tawi-Tawi at Sulu si Jakari.
Habang si Salasim ay mayroon 7 warrant of arrest sa kasong kidnapping and serious illegal detention with ransom.
Magugunita na kinidnap na armadong grupo ang 8 Indons sa Tambisan, Sandakan Sabah noong Jan. 15, 2020. (Mark Obleada)

The post Sub leader ng ASG na kumidnap sa 8 Indo, timbog appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sub leader ng ASG na kumidnap sa 8 Indo, timbog Sub leader ng ASG na kumidnap sa 8 Indo, timbog Reviewed by misfitgympal on Marso 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.