Facebook

AWAY SA KALYE: JAIL WARDEN PATAY SA SUNDALO

BUMULAGTA ang isang kasapi ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) nang pagbabarilin ng isang sundalo dahil sa away trapiko sa Bangga Dama, Barangay Bolong Oeste, Sta. Barbara, Iloilo.
Kinilala ang nasawi na si Jail Senior Inspector Andrew Larupay, 51 anyos, district jail warden ng BJMP sa La Carlota City, Negros Occidental at residente ng Barangay Caninguan, Lambunao, Iloilo.
Ang salarin ay kinilalang si Private First Class Bjourn Kirby Esposo, 26, nakadestino sa 12th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Calinog, Iloilo at residente ng Barangay Malitbog Ilaya, Bingawan, Iloilo.
Ayon kay Police Major Raymond Celoso, hepe ng Sta. Barbara Municipal Police Station, inamin ni Esposo na napilitan siyang magpaputok ng baril dahil minura siya at hinampas ng biktima sa ulo ng baril.
Sumuko rin ang dalawang kasama ni Esposo na isang pulis at miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU).

The post AWAY SA KALYE: JAIL WARDEN PATAY SA SUNDALO appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
AWAY SA KALYE: JAIL WARDEN PATAY SA SUNDALO AWAY SA KALYE: JAIL WARDEN PATAY SA SUNDALO Reviewed by misfitgympal on Marso 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.