Facebook

Covid update: 390 gumaling: 13 nasawi; 7,103 bagong kaso

SUMIRIT ngayon sa mahigit pitong libo ang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa inilabas na case bulletin Departmemt of Health (DOH) ngayong Biyernes, Marso 19, pumalo sa 7,103 ang naitalang bagong kaso na pinakamataas sa lahat ng naitalang kaso araw-araw mula nang magsimula ang COVID-19 pandemic.
Dahil dito, sumampa na sa 648,066 ang kabuuang kaso ng nakamamatay na sakit sa bansa.
Samantala ay mayroon namang naitalang 390 na gumaling at 13 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 11.3% (73,264) ang aktibong kaso, 86.7% (561,902) na ang gumaling, at 1.99% (12,900) ang namatay.
Ayon sa DOH, naitala ang pinakamataas na bilang ng kaso ng COVID-19 ngayong araw kaya panawagan ng ahensya na patuloy na manatili na lamang sa tahanan at iwasang lumabas kung hindi naman talaga kinakailangan.
Ipagpatuloy din ang wasto at mahusay na pagsunod sa ating public health standards upang mapigilan ang pagkahawa at pagkalat ng COVID-19. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

The post Covid update: 390 gumaling: 13 nasawi; 7,103 bagong kaso appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Covid update: 390 gumaling: 13 nasawi; 7,103 bagong kaso Covid update: 390 gumaling: 13 nasawi; 7,103 bagong kaso Reviewed by misfitgympal on Marso 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.