Facebook

LOCKDOWN SA BILIBID AT LEADERSHIP ROW SA COSMOPOLITAN CHURCH, INC.

HANGGANG ngayon, hindi pa rin napaplantsa ang leadership row sa Cosmopolitan Church, Inc. (CCI).

Mula sa mababang korte, nasa Supreme Court (SC) na ang usapin.

Umakyat kasi sa SC si ATTY. ERNESTO VIOVICENTE, kinatawan nina PASTOR PHOEBE DAKANAY at CCI CHAIRMAN FELIMON TUÑACAO, makaraang paboran ng Court of Appeals (CA) ang hatol ni Manila Regional Trial Court (RTC) JUDGE RAINELDA ESTACIO-MONTESSA sa kaso.

Ayon sa ilang mapagkakatiwalaang sources, malalim pala ang ugat ng nasabing intra-corporate dispute.

Nais nina Dakanay at Tuñacao na bawiin ang liderato ng CCI mula sa yumaong si dating Department of Foreign Affairs (DFA) SEC. PERFECTO YASAY JR. at iba pa dahil sila nga naman ang sinasabing mga tunay na opisyal at orihinal na miyembro ng board.

Noong nabubuhay pa si Yasay, ginamit daw ng dating kalihim ang kanyang impluwensiya para agawin ang pamumuno sa kanilang simbahan.

Ang masaklap, hindi na nga nakakuha ng paborableng desisyon ang grupo nina Dakanay at Tuñacao mula sa United Church of Christ of the Philippines (UCCP) ay pinagsisibak pa ang mga pastor at mangangaral na nasa panig nila.

Hindi raw makatuwirang pinagkaitan sila ng wastong proseso ng batas o due process.

May mga alegasyon nga na hindi patas ang UCCP national leadership sa usapin.

Tila nagiging modus operandi na rin daw ng pambansang pamunuan ang panghihimasok at pang-aagaw ng kapangyarihan at mga ari-arian ng local church.

Tsk, tsk, tsk.

Sa mga susunod na labas, unti-unti nating isisiwalat ang iba pang isyung nakakulapol sa UCCP at CCI.

FRONTLINERS, BAWAL DUMAAN SA BILIBID

PROBLEMADO ngayon ang mga taga-Southville3-NHA at mga motorista na dumadaan ng New Bilibid Prison (NBP) sa Barangay Poblacion sa Muntinlupa City.

Ito’y matapos ipag-utos ng pamunuan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang pansamantalang pagsasara at pagkakasa raw ng lockdown sa bisinidad ng NBP.

Ayon kay ASSISTANT SECRETARY GABRIEL CHACLAG, Deputy Director for Administration/Deputy Director General for Operations ng BuCor, ito’y bilang suporta raw sa ipinatutupad na uniformed curfew hours ng Inter-Agency Task Force (IATF) at pag-iingat laban sa COVID-19.

Dahil dito, bawal nang dumaan ng NBP ang mga taga-SV3-NHA at kailangan pa nilang umikot ng San Pedro sa Laguna o kaya’y sa Daang Hari para makapunta ng bayan.

Ang masaklap, aba’y kahit ang mga taga-barangay nga na may satellite office at nakatira sa NHA ay hindi rin maaaring dumaan.

Siyempre, kasama na rin d’yan ang mga frontliners, tulad din nila.

Batay sa liham ni Chaclag kay BRGY. CHAIRMAN ALLEN AMPAYA, binanggit ang aniya’y security enhancement at health protocols na ipinatutupad daw ng ahensya sa lugar.

Kaya epektibo nitong Marso 20 (Sabado), bawal nang pumasok o dumaan ang lahat ng pedestrians at motorista sa Bilibid, maliban sa mga personnel ng BuCor at iba pang government agencies na may official functions at nagtatrabaho sa loob ng reservation.

Sana’y bigyan naman daw ng konsiderasyon ng BuCor ang mga taga-barangay na nangangalaga rin ng peace and order sa lugar at itinuturing ding mga frontliners, pati ang mga media workers.

Teka, alam kaya ito ni JUSTICE SECRETARY MENARDO GUEVARRA? Nagtatanong lang po.

***

PARA naman sa inyong mga reaksyon, suhestiyon, reklamo, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa gil.playwright@gmail.com o kaya’y i-private message sa aking Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Paki-subscribe na rin po ang aking Youtube channel at Tiktok page na ‘Gilbert Perdez’. Maraming salamat at stay safe!

The post LOCKDOWN SA BILIBID AT LEADERSHIP ROW SA COSMOPOLITAN CHURCH, INC. appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
LOCKDOWN SA BILIBID AT LEADERSHIP ROW SA COSMOPOLITAN CHURCH, INC. LOCKDOWN SA BILIBID AT LEADERSHIP ROW SA COSMOPOLITAN CHURCH, INC. Reviewed by misfitgympal on Marso 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.