Facebook

Lockdown sa 12 Brgy at ilang gawain sa Holy Week bawal — Isko

BILANG tugon sa biglaang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa kabisera ng bansa ay dalawang executive order (EOs) ang ipinalabas ni Manila Mayor Isko Moreno. Una ay ang pagla-locldown ng may 14 na lugar kabilang na ang 12 barangay, kalye at building at ang pagbabawal ng ilang gawain na may kinalaman sa pagdiriwang ng Mahal na Araw.

Sa kanyang live broadcast, inanunsyo ni Moreno ang pagpapalabas ng EO No. 8 na nagla-lockdown ng apat na araw sa mga sumusunod na barangay: 107, 147, 256, 262, 297, 350, 385, 513, 519, 624, 696 at 831. Kasama rin sa locked down ang Kusang-Loob Street in Sta. Cruz, Manila na sakop ng Barangay 353 gayundin ang NYK Fil-Ship Management na sakop ng Barangay 658.

Magsisimula ang lockdown ng March 22, 2021 ganap 12:01 a.m. at magtatapos ng 11:59 p.m. ng March 25, 2021 o mula Lunes hanggang Huwebes.

Ayon kay Moreno ang street at clustering lockdown ay base sa DILG manual na nagsasaad kung paano tutugunan ang mga nakahahawang mga sakit.

“Kaya ‘yung isa ay kalye lamang, para ‘yung ibang mabuting mamamayan na nagdi-disiplina ay hindi madamay sa perwisyo ng posibleng iilan na nagpapabaya,” pagbibigay diin ng alkalde.

Idinagdag pa nito na: “Deep inside me, ayoko mag-lockdown but it is quite unfair to other communities na nagdi-disiplina habang ang iba ay nagpapabaya.”

Sinabi ni Moreno na ginawang advance ang pag-aanunsyo upang bigyan ng sapat na oras ang mga apektadong residente na makapaghanda, dahil aniya magiging istrikto ang implementasyon.

Sa ilalim naman ng EO No. 9, ay sinasaad ang pagbabawal ng mga tradisyunal na gawain sa pagdiriwang ng Mahal na Araw na magsisimula sa March 28 hanggang April 4, dahil ang mga gawaing ito ay labis na nagdudulot ng napakaramiming tao na isang dahilan ng pagkalat ng coronavirus.

Kabilang sa ipinagbabawal ay ang mga sumusunod : processions, pabasa, cenakulo at iba pang katulad na gawain sa labas ng simbahan o lugar ng pananampalataya na may kinalaman sa Holy Week.

Kailangan din na ang simbahan ay istriktong sumunod sa quarantine rules na naglilimita sa 50 percent ang seating capacity sa loob ng simbahan.

Inatasan ni Moreno si Barangay Bureau Director Romeo Bagay na tiyakin na ang dalawang executive orders ay maipakalat ng mabilis at maayos sa 896 na mga barangay chairman sa lungsod para sa kanilang istriktong pagtalima at upang maiparating din ito sa kanilang mga nasasakupan.

“Huwag muna natin gawin ang mga nakagawiang tradisyon ng pagsampalataya sa labas ng Simbahan ngunit ituloy pa rin natin ang taimtim na pagdarasal.. gunitain natin ang Semana Santa ngunit kailangan ay may takdang disiplina. May konting pagbabago pero para ito sa ikabubuti ng lahat,” dagdag pa nito.

Tiwala si Moreno na makikipagtulungan ang mga opisyal ng simbahan sa pamahalaang lungsod sa ipinatutupad na executive order. (ANDI GARCIA)

The post Lockdown sa 12 Brgy at ilang gawain sa Holy Week bawal — Isko appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Lockdown sa 12 Brgy at ilang gawain sa Holy Week bawal — Isko Lockdown sa 12 Brgy at ilang gawain sa Holy Week bawal — Isko Reviewed by misfitgympal on Marso 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.