Facebook

‘Bakasyon’ lang pala ang 1 year nang quarantine

SABLAY na naman ang tagapagsalita ng Palasyo na si Atty. “Harry” Roque.

Mantakin mo, mga pare’t mare, “bakasyon” lang pala ang tingin nya sa isang taon nang pagka-quarantine natin dahil sa pandemya ng Coronavirus 2019 (Covid-19).

“Napakatagal na po nating nakabakasyon, halos isang taon na tayong nagbakasyon dahil sa Covid-19… siguro naman po, nga-yong andito na ang bakuna, hayaan naman nating maka-recover tayo for lost time.”

Sinabi niya ito nang idepensa niya si Pangulong Rody Duterte sa pagkonsidera sa traditional holidays ng Nov. 2, Dec. 24 at Dec. 31 na gawing “special working days” nung Martes, Marso 2.

Ang statement na ito ni Roque ay umani ng mga brutal na reaksiyon at komento ng netizens.

Maging ang artistang komedyante na si Pokwang ay nagreak: “Hindi po bakasyon ang tawag do’n sir! Be sensitive naman po! Bakasyon bang matatawag ‘yung umiiyak ka gabi-gabi kasi wala ka nang trabaho? Pa’no na pamilya at pangkabuhayan n’yo? Bakasyon po ba ‘yung need mo isara negosyo mo kasi may pandemya? Kung ganyan ang bakasyon, eh ‘di ayoko na magbakasyon.”

* “Hinayupak na bak… ito. Di mo ba alam dami kong plano sa buhay naudlot dahil sa kapabayaan nyo sa pandemic na ito? Tas sabihin mo bakasyon? Kau lang sa government bakasyon kasi walang bawas sahod nyo, baka may dagdag pa na kickback yung iba” – netizen Rene Visca

* “Bakasyon pala tawag d’on? Hirap na hirap nga lumabas ang mga tao sa bahay nila dahil sobrang higpit nila, bakasyon pala yon?” – seaman Rey Arroyo Mendoza

Si Spox Roque ay napakaraming beses nang na-bash ng netizens dahil sa mga sablay na pahayag.

Hindi na siya nakatutulong kay Duterte, kundi dagdag pabigat na!

In fairness kay Roque, magaling na abogado ito. Matagal si-yang naging law professor sa UP. Naging human rights lawyer pa siya. Pero tila nabugok ang kanyang utak nang sumama sa administrasyong Duterte, na sabi ng beteranong kolumnista na si Ramon Tulfo ay most corrupt administration sa lahat ng nagdaang gobyerno simula kay FVR. Mismo!

***

Malakas ang kuwentuhan ngayon na kakasa si Manila Mayor “Isko” Moreno sa pagka-pangulo sa 2022.

Ito raw kasi ang mina-manok ng mga oligarch sa bansa.

Si Isko na mas kilala sa bagong bansag na “Yorme” ay malakas na kontender sa pagka-presidente. Pumapang-5 siya sa latest survey sa presidentiables sa likod nina Mayor Sara Duterte-Carpio (22 percent), Senador Grace Poe (13%), Sen. Manny Pacquiao (12%), at ex-Sen. Bongbong Marcos (12%). Si Yorme ay 11%, mataas pa kay Vice Pres. Leni Robredo na 5% lang.

Pagdating sa VP, pangalawa si Yorme na may 11 percent, sa likod ni Sara na 14%.

Si Sara ay ilang beses nang nag-anunsyo na hindi tatakbo dahil “maliliit pa ang tatlong anak nito”, sabi ng kanyang ama na si Pangulong Digong.

Kung hindi nga tatakbo si Sara, mas lalong lalaki ang tsansa ni Yorme na manalo lalo kung iendorso siya ni Digong. Puede!

Maraming beses nang nagsabi si Yorme na ‘di niya pa iiwa-nanan ang Maynila. Marami pa raw kasi siyang dapat ayusin sa lungsod. Tama naman. Pero minsan ka lang ginusto ng mamama-yan maging lider ng bansa, sunggaban mo na. Sabi nga ni Sen. Ping Lacson: “Strike it while the iron is hot”. Mismo!

Kung sa 2028 pa balak ni Yorme kumasa sa pagka-Presidente, aba’y ibang istorya na ‘yun. Baka wala na siyang kamandag at that time. Go, Yorme! Iwan mo muna kay Honey ang Manila…

The post ‘Bakasyon’ lang pala ang 1 year nang quarantine appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Bakasyon’ lang pala ang 1 year nang quarantine ‘Bakasyon’ lang pala ang 1 year nang quarantine Reviewed by misfitgympal on Marso 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.