Facebook

Mga buto ng tao nahukay sa harap ng simbahan sa CamNor

ILANG buto ng tao ang nahukay sa harap ng isang simbahan sa bayan ng Capalonga, Camarines Norte noong Lunes, Marso 1.
Ayon kay Rod Rawat, tourism officer ng Capalonga, nagpapagawa ng bakod ang simbahan ng St. Lucy Virgin and Martyr nang mahukay ng mga trabador ang mga buto, na agad nai-report sa lokal na pamahalaan.
Batay sa kasaysayan ng lugar, dating libingan ang harapan ngayon ng simbahan.
Nasa proseso ng cultural mapping sa ilalim ng National Commission for Culture and Arts ang Capalonga ngayon kaya naman makakatulong ito sa pagsasaayos at pagpapanatili ng kasaysayan at kultura ng lugar, ani Rawat.
Binendisyunan at inilipat na sa public cemetery ang mga nahukay na buto.
Kilala ang simbahan ng Capalonga bilang “pilgrim’s destination” na nagsimula pa noong 17th century.

The post Mga buto ng tao nahukay sa harap ng simbahan sa CamNor appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mga buto ng tao nahukay sa harap ng simbahan sa CamNor Mga buto ng tao nahukay sa harap ng simbahan sa CamNor Reviewed by misfitgympal on Marso 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.