Facebook

Bigtime online fixer na namemeke ng driver’s license, timbog

KULONG ang bigtime fixer na namemeke ng driver’s license sa Western Visayas.
Kinilala ang naaresto na si Eldine Jane Berman, residente ng Bingawan, Iloilo.
Ayon kay Atty. Gaudioso Geduspan, assistant regional director ng Land Transportation Office Region VI, sinisingil ni Berman ang kanyang mga ka-transaksyon ng P7,500.
Inamin naman ng arestado na sa Maynila pa pinapagawa ang mga pekeng driver’s license kungsaan makukuha na ito sa loob ng sampung araw.

The post Bigtime online fixer na namemeke ng driver’s license, timbog appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bigtime online fixer na namemeke ng driver’s license, timbog Bigtime online fixer na namemeke ng driver’s license, timbog Reviewed by misfitgympal on Marso 26, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.