
TIMBOG sa entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI)-Region 2 at pulisya ang lima katao na nagbebenta ng pekeng titulo ng lupa sa Barangay Ziminila, Camalanuigan, Cagayan.
Kinilala ni Gelacio Bongngat, director ng NBI R02, ang mga dinakip na sina Billy Ibarra Sistoza, Reynaldo Martinez Delelis, Leilanie Torida Mirafuente, Orlando Penaflor Alariao at Jun Dela Rosa Tablac na pawang residente ng probinsiya ng Cagayan.
Habang ang complainant ay kinilalang si Cyrille Lozada.
Sa report, si Siztoza ay na nagpapanggap bilang Heriberto Remudaro, at si Delelis maging ang tatlong iba pa ang nag-offer ng apat na parcel ng lupa na nakapangalan kay Remudaro na matatagpuan sa Brgy. Rapuli, Sta Ana na nagkakahalaga ng P6.5 milyon.
Habang isinasagawa ang proseso para maipangalan sa biktima ang lupa kungsaan nakapagbigay na ito ng paunang bayad na P1.5 milyon ay kanyang napag-alaman na patay na ang nagmamay-ari ng lupa na si Remudaro at ginagamit lamang ng mga suspek ang nasabing pangalan.
Dumulog din si Lozada sa Registry of Deeds at kanyang natukoy na ang mga ipinakitang titulo ay kanselado na at mayroon nang bagong nagmamay-ari ng lupa.
Dahil dito, lumapit ang biktima sa NBI at natukoy ng ahensya na si Sistoza ay dati nang nahuli noong 2018 sa kaparehong kaso at pagbebenta ng fake gold bar ngunit nakapaglagak ng piyansa.
Agad ikinasa ang entrapment operation ang NBI sa Brgy Ziminila, Camalanuigan para sa pagbabayad ng complainant ng P5 milyon, sanhi ng pagkakahuli sa mga suspek.
The post 5 nagbebenta ng pekeng titulo sa Cagayan, huli appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: