Facebook

10% capacity sa simbahan sa Maynila, aprub kay Isko

APRUB kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang 10% capacity sa mga simbahan sa lungsod.
Kinumpirma ng alkalde ang kanyang paninindigan sa pastoral letter ni Bishop Broderick Pabillo kung saan sinabing: “We will not have any religious activity outside of our churches such as senakulo, pabasa, processions, motorcades at Visita Iglesia”.
Gayunman sa mga simbahan, magdadaos parin ng misa simula Marso 24 sa kapasidad na 10 porsyento ng kanilang kapasidad sa simbahan.
Ayon sa alkalde, sang-ayon ito sa desisyon ng Manila Archdiocese pero nanawagan ito sa mananampalataya na sumunod sa health protocol gaya ng pagsusuot ng face mask, face shields at physical distancing.
Pinasalamatan din ng alkalde ang simbahan na payagan ang kanilang misa na i-livestream sa pamamagitan ng Facebook para sa mga Katolikong mananampalataya upang makadalo sa mga aktibidad ng simbahan kahit nasa bahay lamang. (Jocelyn Domenden)

The post 10% capacity sa simbahan sa Maynila, aprub kay Isko appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
10% capacity sa simbahan sa Maynila, aprub kay Isko 10% capacity sa simbahan sa Maynila, aprub kay Isko Reviewed by misfitgympal on Marso 26, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.