Facebook

1,700 health workers target bakunahan sa Maynila

TARGET ng pamahalaang lungsod ng Maynila na makapagbakuna ng 1,700 frontline health workers o higit pa hanggang maubos ang bakuna.
Sa gitna ito ng muling pagpapatuloy ngayong araw ng vaccination para sa COVID-19 sa lungsod.
Kasalukuyang isinasagawa ang vaccination sa Ospital ng Maynila Medical Center ng AstraZeneca vaccine na inaasahang mabakunahan ang nasa 1,000 health workers
Habang nasa 700 indibidwal naman ang babakunahan ng Sinovac vaccine sa Sta.Ana Hospital.
Sa pinakahuling ulat ng Manila Health Department, umabot na sa 10,412 frontline workers ang nabakunahan na sa Lungsod hanggang nitong Marso 24. (Jocelyn Domenden)

The post 1,700 health workers target bakunahan sa Maynila appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
1,700 health workers target bakunahan sa Maynila 1,700 health workers target bakunahan sa Maynila Reviewed by misfitgympal on Marso 26, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.