Facebook

‘10K Ayuda Bill’ para sa pandemya

SA wakas… gumalaw narin ang panukala ni dating House Speaker Peter Alan Cayertano na makatutulong ng malaki sa ating mga kababayan na labis na apektado ng isang taon nang pandemya sa Covid-19.

Ito ay ang ‘10K Ayuda Bill’ na inihain ng grupo ni Cayetano noong Pebrero 1, 2021 ngunit nitong Marso 25 lang inaksiyunan ng Comittee on Social Services na pinamumunuan ni Quezon City 5th Distroc Representative Alfred Vargas.

Mabuti lang at nakialam na si Senador Bong Go at ilang local government units at napilitan si Vargas na talakayin na ang bill na naglalayon magkaloob ng P10K sa bawat mahihirap na pamilya P1,500 sa bawat miyembro ng pamilya.

Mismong ang itinuturing na “eyes and ears” ni Pangulong Duterte na si Sen. Go ang nanawagan sa Dept. of Finance and Dept. of Budget and Management na tingnan kung may sapat na pondo ang gobyerno para magbigay ng karagdagang ayuda para sa taumbayan, hindi lamang sa NCR kundi maging sa buong bansa. Pinakikilos rin nito ang DSWD upang pag-aralan kung ilan ang magiging benipisyaryo ng hakbang na ito.

At sa pagtatapos nga ng sesyon ng kongreso nitong Huwebes ay tinalakay sa komite ni Vargas ang panukala. Ayos! Siguradong tuluy-tuloy na ito, ‘di na mapolitika, kundi malalagot sila kay Bong Go. Hehehe…

Alam naman natin na kapag si Bong Go na ang nagsalita ay parang si Digong narin. Mismo!

Oo! Kailangan narin kasi talaga ng ating mga kababayan lalo yung mga nawalan ng trabaho ng ayuda ng gobyerno para may magastos sila sa pang-araw-araw na pangangailangan habang naghihintay tayo ng full rollout ng bakuna sa Covid-19.

Hopefully, sabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na bahagi ng Inter-Agency Task Force kontra Covid-19, mga Hunyo hanggang matapos ang taon ay darating na lahat ng biniling bakuna ng gobyerno at mabakunahan na ang 70 percent ng ating populasyon para makabalik na sa normal ang mga negosyo.

Maliban kay Sen. Bong Go, ang ilang LGUs na nagtutulak para mapasa na ang 10K Ayuda Bill ay ang Tarlac City at bayan ng Alburquerque sa Bohol, na pormal na isusumite sa Kamara at Senado ang kanilang resolusyon bilang pagsuporta sa bill.

“Sana makiramdam ang Congress and we covert into a Committee on the whole or in any way that we can, kung kailangan humingi ng special session, para ipasa ‘to. Ginawa natin nung Bayanihan 1 yan, ginawa natin nung Bayanihan 2, there’s no reason why we can’t do it again,” sabi ni Cayetano.

Kasama ni Cayetano sa pagpanday sa makabuluhang bill na ito sina Congw. Lani Cayetano, Cong. Dan Fernandez, Cong. LRay Villafuerta, Cong. Raneo Abu, Cong. Jonathan Sy- Alvarado at Cong. Mike Defensor. Ito ay dagdag na ayuda, dahil sa mga bansa sa Asya nahuhuli ang Pilipinas sa pagbibigay ng stimulus package sa mga pinadapa ng COVID-19. Very good!

Sana maging batas na ang 10K Ayuda Bill na ito sa lalong madaling panahon. Bantayan!

***

Sa lingguhang forum ng National Press Club via Zoom nitong Biyernes ng umaga, naging panauhin namin sina Cabinet Sec. Karlo Norgales, PNP Spokesman Gen. Ildebrandi Usana; Dr. Ruby Tamayo, Dean ng College of Criminal Justice System; at Dr. Gerrt Cano, nat’l president ng Professional Criminologist Association of the Philippines.

Tinalakay ni Nograles ang Task Force Zero Hunger ng gobyerno na concentrated sa mahihirap na lalawigan sa LuzViMinda.

Ibinalita naman ni Gen. Usana ang paggamit ng body cameras ng mga operatiba sa mga operasyon simula sa Abril.

At ibinahagi nina Dr. Cano at Dr. Tamayo ang paghubog nila ng crimonology students para maging mabuting pulis or uniformed.

Tatalakayin ko ito sa sunod na kolum sa Lunes. Abangan!

The post ‘10K Ayuda Bill’ para sa pandemya appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘10K Ayuda Bill’ para sa pandemya ‘10K Ayuda Bill’ para sa pandemya Reviewed by misfitgympal on Marso 26, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.