Facebook

Diaz sasabak sa Asian Weightlifting Championship sa Uzbekistan

ANG team ni Olympian Hidilyn Diaz ay nakatakdang mag pa swab testing para sa COVID-19 bilang paghahanda sa kanyang pakikilahok sa Asian Weightlifting Championship sa April 16 to 21 sa Tashkent,Uzbeskitan.
Diaz, na silver medalist sa 2016 Rio Olympics, ay puntirya ang kanyang ika-apat na sunod-sunod na titulo ngayon taon Tokyo Olympics, orihinal na nakatakda nakaraang taon pero ipinagpaliban dahil sa pandemic.
Ang kumpetisyon na sasalihan ni Diaz sa susunod na buwan ay Olympic Qualifying Tournament (OQT) Bukod sa nagtapos na top eight sa world rankings— kung saan siya ay nasa No.5 kailangan nyang lumahok sa kanyang ika-anim na OQT para ma qualify sa Tokyo Olympics.
“Mag-test na kami sa Monday then bibili na kami ng plane tickets. tugon ni Diaz.
“April 19 ang laro ko pero ang start ng tournament is 16. Pero mag-punta kame doon ng maaga mga April 10 (I’ll be competing on April 19 but the tournament will start on 16. We’ll be there early and will arrive April 10).”
Diaz at ang team, na kinabibilangan nina Chinese mentor Kaiwen Gao,strength and conditioning coach Julius Naranjo, at therapist Belen Banas,ay nasa Malaysia halos isang taon na ngayon.
Dumating sila sa Kuala Lumpur noong Pebrero para paghandaan ang Asian Weightlifting Championship sa Kazakstan, pero nakansela dahil sa COVID-19 outbreak. gaya ng ibang bansa,Malaysia ay nag lockdown para mapilitan si Diaz at ang kanyang team na manateli doon.
Si Diaz ay patuloy na nanirahan sa Malaysia para mag training, dahil magsisimula na ang OQT, at ang Tokyo Olympics matapos ang torch relay na nagsimula kamakailan sa Japan, ay tanaw ang pag-asang matutuloy na ang Summer Games sa July 23 to August 8.
“Magandang senyales talaga na nag-start na ang Olympic Torch Relay. Parang nagiging reality na ulit. Wika ni Diaz.
Sasabak si Diaz sa 55kg women’s category sa OQT.
Hawak ni Diaz ang 3,717.0982 points sa likuran ni Chinese weightlifters Jiang Huihua (4,667.8878) Liao Qiuyun (4,288.9622) Zhang Wangqiong (4,212.6639) at Li Yajun ( 4,099.0223)
Huling sumabak si Diaz noong 2020 Roma World Cup sa Italy, kung saan nakakuha siya ng three gold medals sa January. noong July, nagwagi si Diaz ng gold medal sa online Eleiko Email International Lifters tournament.

The post Diaz sasabak sa Asian Weightlifting Championship sa Uzbekistan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Diaz sasabak sa Asian Weightlifting Championship sa Uzbekistan Diaz sasabak sa Asian Weightlifting Championship sa Uzbekistan Reviewed by misfitgympal on Marso 26, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.