SA kabila ng pandemya na kinahaharap, mas pinili pa rin Deputy Speaker at Bacoor, Cavite Rep. Strike Revilla ang tradisyon nito na makasama ang mamamayan ng Bacoor tuwing sasapit ang kaarawan.
Ngayong araw, Marso 1, pinangunahan nito ang flag-raising na ginanap sa pinagawa nitong Strike Gymnasium noong Alkalde pa ito ng Bacoor.
Matapos ang flag-raising, sinabi niya na pagsisikapan pa nyang lalong mapaunlad ang Bacoor City.
“Dalangin ko din po na matapos na ang ating kinahaharap na pandemya upang mas mapabuti na ang lagay ng pamumuhay ng ating mga kababayan. Salamat sa inyong mga pabati, kayo po ay naka-ukit na sa akin puso,’ pahayag ni Revilla na ang mismong kaarawan ay Marso 2.
Ang buwan ng Marso, tulad ng mga nakalipas na taon ayon sa mambabatas ay magkaroon ng mga aktibidad na makatutulong sa mga mahal na kababayan nito sa Bacoor.
Ilan dito ay ang Job Fairs, Pangkalusugan, FB Games online at pangungunahan din nito ang blessings sa mga proyekto nito tulad ng ilang multi-purpose buildings sa buong Bacoor.
The post Birthday ni Rep. Strike Revilla sa sarili, alay pa rin sa Bacooreños appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: