Facebook

Bong Go: Panukalang pumipigil sa PhilHealth contribution hike, pasado sa committee level

INAPRUBAHAN ng Senate committee on health and demography na pinamumunuan ni Senator Christopher “Bong” Go, ang panukalang batas na pansamantalang pipigil sa nakatakdang pagtataas ng monthly contribution ng Philippine Health Insurance Corporation.

“When the [Universal Health Care Act] was crafted, no one knew that a pandemic would hit us. Although the increase in PhilHealth contributions ensures sufficient funding for the health care of its members […] it is only reasonable and equitable to postpone incremental premiums due to the bad economic conditions caused by [the crisis],” sabi ni Go.

“The government, as a whole, must do its best to unburden Filipinos by shouldering the cost while ensuring that the [UHC] law is implemented and the services of PhilHealth are unhampered,” idiniin niya.

Ang premium contribution rate ng Philhealth na 3% ng monthly basic salary ng direct contributor sa 2020 ay nakatakdang itaas sa 3.5% ngayong 2021. Ito ay batay sa mandato ng Republic Act No. 11223 o ng UHC Act. Ang mandatory contributions ay magtataas taon-taon hanggang 2025 hanggang sa ito ay maging 5% na ng monthly income.

Inaprubahan ng komite ang panukalang nagbibigay ng awtorisasyon sa Pangulo na isuspinde ang anumang increase sa premium contributions sa panahong nasa national o public health emergencies ang bansa.

Kasunod ng pag-apruba, magkakasa ng report ang health committee upang ang panukala ay matalakay sa plenaryo.

“Nagsabi na po si Pangulong [Rodrigo] Duterte, sang-ayon po siya na ipagpaliban pansamantala muna ang pagtaas sa premium rates ng PhilHealth habang may pandemya pa tayong kinakaharap,” sabi ni Go.

“Hirap na ang ating mga kababayan, huwag na natin silang mas pahirapan pa […] Tulungan na lang natin sila. Paano natin pagbabayarin ang ordinaryong Pilipino na nawalan na nga ng kabuhayan? Tulad ng sabi ng Pangulo, it is the job of the government to make it easy for everybody at this time,” anang senador.

Ayon sa PhilHealth, dahil sa deferment ng premium contributions ay magreresulta ito ng P17.5-billion net loss at pagbagsak ng Konsulta package nayong 2021.

Ngunit tiniyak ng PhilHealth officials na ang pagkalugi ay sasaluhin ng Reserve Funds.

Para masiip ang financial status ng ahensiya, hiniling ni Senator Go kay PhilHealth chief Dante Gierran sa pagdinig ang update sa ginagawa efforts ng Philhealth para marekober ang pondo na sinasabing nawala sa fraudulent schemes sa ahensiya.

Sinabi ni Gierran na ang 95% ng P14.9 billion advance payments sa mga ospital at iba pang health facilities sa pamamagitan ng interim reimbursement mechanism ay nai-liquidate na. Inaasahang makukumpleto ito ng state insurance agency sa katapusan ng kasalukuyang buwan.

“Kailangan natin ang PhilHealth. They form part [of the] campaign … laban sa COVID-19. Sila nagbabayad ng testing so mahirap pong yanigin ang kanilang opisina,” ani Go.

“Ang importante, hindi maantala ang serbisyo ng PhilHealth. Ayaw natin mangyari na lalapit ang pasyente sa PhilHealth at tatanggihan. Mahirap naman mag-increase ngayon. Walang pera ang mga kababayan natin. Balansehin natin ang lahat. Ako ay nakikiusap sa PhilHealth, pangalagaan niyo ang perang hawak niyo … ‘wag tayong pumayag na ni piso may masayang,” ang apela ng senador. (PFT Team)

The post Bong Go: Panukalang pumipigil sa PhilHealth contribution hike, pasado sa committee level appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bong Go: Panukalang pumipigil sa PhilHealth contribution hike, pasado sa committee level Bong Go: Panukalang pumipigil sa PhilHealth contribution hike, pasado sa committee level Reviewed by misfitgympal on Marso 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.