Facebook

Bong Go rumesbak sa Tacloban City para tulungan ang Yolanda victims

SA kanyang patuloy na assistance efforts sa mga survivor ng kalamidad, niresbakan ng outreach team ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga sinalanta ng bagyong Yolanda noong 2013 sa Tacloban City na muling pinalugmok ng pandemya para bigyan ng iba’t ibang ayuda.

Isinagawa sa Tacloban City Astrodome, umaabot sa 1,700 beneficiaries ang binigyan ng food packs, vitamins, medical-grade masks at face shields para maprotektahan sila sa patuloy na pagkalat ng COVID-19.

May mga benepisyaryong binigyan ng bagong sapatos habang ang iba ay nakatangap ng bisikleta. Namahagi rin si Sen. Go ng computer tablets na makatutulong sa mga estudyante sa kanilang pag-aaral.

“Nagpapasalamat ako kay President Rodrigo Duterte, Senator Bong Go, at sa lahat ng staff ng gobyerno para sa kanilang tulong dahil wala akong regular na trabaho. Dati po akong mekaniko pero pa extra-extra na lang ako ngayon dahil nasira ng Yolanda ang aming shop. Kung bibigyan ako ng pagkakataon, gusto kong humingi kay Presidente ng puhunan para makapagnegosyo ako kahit sari-sari store lang,” ang sabi ni Dequiña Ernesto, 62, residente ng Barangay 63.

Sa kanyang video message, tiniyak ni Go sa mga residente na magpapatuloy ang pamahalaan sa mga pangako nito na palaging nakaayuda sa mga nangangailangan.

Bilang chairman ng Senate Committee on Health, iginiit ni Go sa bawat isa na palagiang mag-ingat laban sa coronavirus.

Inalok ni Go ang mga walang pampadoktor na humingi ng medical assistance sa pamahalaan sa pamamagitan Malasakit Center sa Eastern Visayas Regional Medical Center.

“One-stop shop ito. Nandiyan na ang Philippine Health Insurance Corporation, Department of Health, Department of Social Welfare and Development, at Philippine Charity Sweepstakes Office na handang tumulong sa inyong hospital bills,” ani Go.

“Ngayon, kung hindi naman kaya ang operasyon diyan sa inyong lugar, sabihan niyo lang ang staff ko at tutulungan ko kayo magpa-ospital o magpa-opera rito sa Maynila,” idinagdag ng senador. (PFT Team)

The post Bong Go rumesbak sa Tacloban City para tulungan ang Yolanda victims appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bong Go rumesbak sa Tacloban City para tulungan ang Yolanda victims Bong Go rumesbak sa Tacloban City para tulungan ang Yolanda victims Reviewed by misfitgympal on Marso 26, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.