MARIING itinanggi ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang kumalat na text message na umano’y isasailalim sa circuit breaker lockdown ang Metro Manila at iba pang lugar sa Marso 22.
Sa naturang text message, nakasaad na iaanunsyo ng Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na ipapatupad ang dalawang linggong circuit breaker lockdown dahil sa patuloy na pagtaas ng covid cases.
Bukod dito, isasara rin umano ang non- essential business sa NCR at ilang concern areas.
Nang tangungin si Roque hinggil sa napapabalitang lockdown, isang matipid na “FALSE” ang kanyang isinagot.
Ngayong araw ay nakapagtala na naman ng record breaking high na 7,999 new cases. (Jonah Mallari)
The post CIRCUIT BREAKER LOCKDOWN ‘DI TOTOO -SEC. ROQUE appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: