NASAWI ang isang ama at dalawa anak nito nang malunod sa Simulao River sa Purok 6, Unggod ng Barangay Tudela, Trento, Agusan del Sur.
Kinilala ni Trento Municipal Mayor William Calvez ang ama ng mga nasawi na si Macmac Borantes, 32 anyos.
Base sa salaysay ng kapitan ng Brgy. Tudela, pinayagan ng ama ang hiling ng dalawa nitong anak na maligo sila sa ilog kung kaya’t kanya itong sinamahan sa paliligo.
Sa ulat, napunta sa malalim na bahagi ng ilog ang mag-aama at nabitawan ni Borantes ang mga anak na nakakapit sa kanya, at posibleng nakaranas ito ng cramp sa kanyang paa kaya kasama na itong inanod.
Ilang oras ding nagsagawa ng search and rescue operation bago natagpuan ang mag-aama na pawang patay na.
The post Daddy, 2 anak nilamon ng ilog appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: