Facebook

Quezon tapunan ng ‘salvage victims’

DALAWA na namang bangkay ng lalaki na biktima ng “salvaging” ang natagpuan sa Barangay Cabay, Tiaong, Quezon nitong Miyerkules ng umaga.
Sa ulat, nakagapos ng packaging tape ang mga kamay, paa, at may nakapulupot na alambre sa leeg ng mga biktima. May mga tama ito ng bala ng baril at may mga pasa sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan, palatandaan na pinahirapan ang mga biktima.
Pahayag ng isang barangay kagawad, 4:00 ng madaling-araw nang makita ang mga bangkay.
Wala naman narinig na mga putok ng baril ang mga residente sa lugar, pero may mga nakitang basyo ng bala sa lugar kungsaan natagpuan ang mga bangkay.
Habang nagsasagawa ng pagsisiyasat ang PNP-SOCO, may dalawang tao na dumating sa lugar at nagpakilalang pinsan ng isa sa dalawa sa mga biktima.
Ayon sa mga ito, Rommel Bartolome ang pangalan ng isa na taga Sampaloc, Manila. Umalis ito sa Sampaloc dalawang araw na ang lumipas upang magbenta ng motorsiklo. Hindi anila kilala ang kasama nitong natagpuang patay.
Wala pang isang linggo ang nakararaan, isang 16-anyos na lalaki na isa ring “salvage victim” ang itinapon sa bayan ng Sariaya, Quezon.
At sa nakaraang dalawang linggo, isang babaeng salvage victim naman ang itinapon sa Tagkawayan, Quezon.
Naging tapunan na ng salvage victims ang Quezon dahil sa madilim sa lugar at wala masyadong taong dumadaan sa gabi.

The post Quezon tapunan ng ‘salvage victims’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Quezon tapunan ng ‘salvage victims’ Quezon tapunan ng ‘salvage victims’ Reviewed by misfitgympal on Marso 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.