Facebook

Rebel returnee dinakip sa kasong rebelyon

DINAKIP ng mga kasapi ng Bambang Police Station ang dating miyembro ng KLG Sierra Madre-Aurora dahil sa kasong rebelyon sa Cauayan City.
Kinilala ang akusado na si Reynaldo Santos alyas Marvin Dela Pena at Ka Pong Pong, 37 anyos.
Ayon sa Bambang Police Station, isinilbi nila ang warrant of arrest laban sa akusado ilang linggo pa lamang nang nagbalik-loob ito sa pamahalaan.
Sa ulat, sumuko si Santos dahil sa naranasang gutom at kahirapan sa lugar kungsaan noon namamalagi ang kanilang grupo.
Ang warrant of arrest ay ipinalabas ni Judge Paul Atolba Jr. ng RTC Branch 30, Bambang, Nueva Vizcaya sa kasong Rebelyon na walang inirekomendang piyansa.

The post Rebel returnee dinakip sa kasong rebelyon appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Rebel returnee dinakip sa kasong rebelyon Rebel returnee dinakip sa kasong rebelyon Reviewed by misfitgympal on Marso 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.