MUKHANG napapanahon na talaga isulong ang pagbabalik ng C.A.T at ROTC sa mga paaralan. Masyado nang nabibigyan laya at karapatan ang mamamayan lalo’t mga kabataan kung kaya’t nagiging mahirap na ang pagpapatupad ng batas na siyang pangunahing sandata ng ating bansa para maisayos ang pamamahala at kapayapaan. Sa pagpapatupad ng mga nasabing gawain mararanasan at mauunawaan ng mga kabataan ang gawi at kultura ng may batas na sinusunod. Makikilala at maiintindihan nila ang kultura ng pwersa ng gobyerno na nagpapatupad ng batas. Marahil mababawasan ang dumadaming mga kabataang sumasama sa welga at rally sa pag aakalang ito ay tama at karapatan ng sinuman. Mababawasan ang mga patuloy na ngumangalngal laban sa pulis at sundalo dahil mauunawaan nila na may batas tayong panuntunan at nararapat sundin, at ang mga hanay na ito ang tumutupad lamang sa kanilang tungkulin para sa kaayusan at kaligtasan ng bawat mamamayan. Hindi dapat nagpapadala sa sulsol at udyok ng mga maka-kaliwa hinggil diumano sa militarisasyon at pagsaklaw sa karapatan bagkus unawain at aralin ang disiplinang idudulot sa mga kabataang daraan sa ganitong pagsasanay. Ang kapayapaan ay responsibilidad ng buong bayan. – Juan dela Cruz
Naglipanang pagawaan ng mga pekeng dokumento sa Recto, Manila
MAY0R GANDANG UMAGA P0. AKALA KO PO GALIT KAYO SA MGA ILLEGAL NA GUMGAWA NG PEKENG DUK0MENTO? BAKIT NAGKALAT PO DITO SA KAHABAAN NG QUEZON BLVD. HANGGANG RECT0? AN0 PO GINAGAWA NG MGA PULIS M0?DAMI K0LEKT0R NAGLIPANA DTO- CONCERNED CITIZEN!
The post Dapat nang ibalik ang CAT at ROTC sa mga paaralan appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: