Facebook

Detainee nakatakas sa Biliran provincial jail

NAKATAKAS ang isang preso mula sa Biliran Provincial Jail sa Capitol Ground, Barangay Calumpang Naval, Biliran nitong Biyernes ng madaling araw.
Kinilala ang preso na si Simeon Kumbate, 30 anyos, ng Sitio Lupa sa naturang barangay, na nahaharap sa kasong rape.
Napag-alaman na umakyat sa perimeter fence ng kulungan ang bilanggo kaya ito nakatakas.
Ipinagbigay-alam sa pulisya ng Jail Guard na si Donabelle Cuevas ang tungkol sa pagtakas ng preso at agad namang rumesponde ang awtoridad.
Nagsasagawa na ang Naval police ng manhunt operation para mahuli ang nakatakas na bilanggo.

The post Detainee nakatakas sa Biliran provincial jail appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Detainee nakatakas sa Biliran provincial jail Detainee nakatakas sa Biliran provincial jail Reviewed by misfitgympal on Marso 26, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.