Facebook

Nanghabol ng itak, patay sa pulis

BUMULAGTA ang 66-anyos na lalaki na nagwala at nanghabol ng itak nang mabaril ng isang pulis sa Negros Occidental. Sugatan naman ang pulis.
Sa ulat, ipinakita ang video footage na kuha ng Victoria City Police sa nangyaring insidente sa Victoria City.
Sinabi ng pulisya na nagwala ang lalaki habang may dalang itak.
Tinangka pakalmahin ng mga awtoridad ang lalaki, pero hinabol nito ng taga ang isang pulis, dahilan para magpagulong-gulong ito sa kalsada, bago mapilitang paputukan ang lalaki.
Kahit may tama na ang lalaki, patuloy parin ito sa paghabol sa pulis kaya tumulong na sa pag-awat ang ilang tao sa lugar.
Nagtamo ng sugat sa braso ang pulis habang binawian ng buhay ang lalaki dahil sa tinamong tama ng bala sa katawan.

The post Nanghabol ng itak, patay sa pulis appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Nanghabol ng itak, patay sa pulis Nanghabol ng itak, patay sa pulis Reviewed by misfitgympal on Marso 26, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.