Facebook

‘Di na obligadong magpakita ng travel authority at medical certificate ang mga biyahero

KINUMPIRMA ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na hindi na obligadong magpakita ng travel authority at medical certificate ang mga biyahero.

Ayon kay DILG Undersecretary and spokesperson Jonathan Malaya, ito’y alinsunod sa inaprubahang uniformed travel protocols ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Sinabi ni Malaya na hindi na rin mandatory o sapilitan ang COVID-19 testing para sa mga domestic travelers, maliban na lamang kung may umiiral pang requirement ang isang local government unit o LGU.

Nanawagan naman si Malaya sa mga lokal na pamahalaan na sumunod sa bagong regulasyon ng IATF.

Samantala, pinayuhan ni Malaya ang mga biyahero na bago bumiyahe ay tiyakin muna na walang COVID-19 testing requirement sa pupuntahan nilang lugar o destinasyon.

ILANG HEALTH WORKERS NG VMMC NAHILO MATAPOS TURUKAN NG SINOVAC VACCINE
Nakaramdam ng pagkahilo ang ilang health workers ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) matapos makatanggap ng bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) ng Sinovac.

Ayon kay Dr. Ramon Mora ng VMMC, sinusuri muna at inaalam ang kondisyon ng mga health workers bago ito mabakunahan. Ipinabatid naman ng World Health Organization na makakaranas umano ang isang indibidwal ng ilang side effects tulad ng pagsusuka, pagkahilo, at maaari rin itong mahimatay matapos itong mabakunahan.Dagdag naman ni Food and Drug Administration Chief Undersecretary Eric Domingo, habang nagpapalista pa lamang ang sasailalim sa bakuna ay tinitiyak nila kung mayroon itong allergy o medical history at kung may gamot ba itong iniinom upang malaman kung maaari itong mabakunahan. Samantala, kabilang si Domingo sa nabakunahan ng Coronavax na mula sa kumpanya ng Sinovac.

MGA NAKARANAS NG SIDE EFFECT SA SINOVAC VACCINE, MINIMAL LANG AYON KAY DOH SEC. DUQUE
Samantala tiniyak naman ni Health Sec. Francisco Duque III na mahigpit na imo-monitor ang naging epekto ng Sinovac vaccine na kanilang natanggap.Matatandaang anim na tinurukan kahapon ang nakaranas umano ng pagkahilo at dinala emergency room. Pero sa pananaw ni Duque, ‘mild effect’ lamang ito at hindi dapat na ikaalarma. Normal lang aniya na magkaroon ng kaunting pananakit sa bahagi ng nabakunahan, bahagyang pagkahilo at ang iba ay may pamumula. Pero ganito rin umano ang nangyayari sa ibang nababakunahan, kahit para sa ibang mga sakit.

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Samantala, laging subaybayan ang palatuntunang “walang personalan trabaho lang” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00nn sa RADYO NG MASA entertainment net radio. Tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band at 10:00am-11:00am sa DWXR 101.7FM – Mapapanood livestreaming via Facebook at Youtube!

The post ‘Di na obligadong magpakita ng travel authority at medical certificate ang mga biyahero appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Di na obligadong magpakita ng travel authority at medical certificate ang mga biyahero ‘Di na obligadong magpakita ng travel authority at medical certificate ang mga biyahero Reviewed by misfitgympal on Marso 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.