Facebook

Mga namatay sa Covid-19, napagkaitan ng karapatan ang mga pamilya?

SA ibang bansa ay pinahihintulutan pala ang lamay o burol sa mga namatayan ng kanilang pamilya kahit positibo pa na ang ikinasawi ay sa pagkakasakit ng COVID-19, subalit dito sa ating bansa ay naipagkait ang karapatan ng bawat pamilyang namatayan dahil pag namatay sa pagamutan ay agad nang idederetso sa CREMATORIUM kahit wala pang kaseguruhan na covid ang ikinamatay at hinde man lamang hininge ang pagsang-ayon ng mga kapamilya.

May mga artikulong nailathala nitong January 4, 2021 sa https://ift.tt/3rvHaSM patungkol sa FORENSIC SCIENCE, MEDICINE AND PATHOLOGY volume 17 pages 101-113 (2021) na ang EUROPEAN CENTRE FOR DISEASE PREVENTION AND CONTROL (ECDC) ay pinapayagan ang lamay o burol, pag-iembalsamo at cremation sa mga namatay sa COVID-19 (pinaghihinalaan o kumpirmado).., kumbaga nasa pagpapasiya ng mga namatayan kung ibuburol o agarang cremation, hinde tulad sa ipinairal sa ating bansa na ipinagkait o inalisan ng karapatan ang mga kapamilya na masilayan man lamang sa huling sandali ang labi ng namayapa nilang kapamilya.

“The ECDC states that the families are allowed to view the body. Additionally, permission is granted for physical contact with the body; however, following standard precautions and applying PPE – gloves and long-sleeved water-resistant gowns are the minimum requirements. In cases of a PPE shortage, physical contact with the body should be restricted,” bahagi ng inilathalang artikulo.

“According to Red Cross guidelines, burial in a single grave is preferred, whereas mass graves are discouraged; the body should also be double bagged [96]. In Jewish culture, regardless of the burial method performed, the seventh day following a burial – shiva – is the day at which the grieving process begins and is very important in Jewish culture; however, due to the need for social distancing and gathering prevention – it has to be canceled or postponed [97, 98]. In addition, according to Jewish religious law, burial must be undertaken within 48 h of death, which might be naturally restricted during the SARS-CoV-2 pandemic. In Islamic law and Muslim culture, each individual should be buried in a separate grave; however, in cases of a massive SARS-CoV-2 infection, collective graves are permitted by the law [99]. Buddhists perceive an autopsy as beneficial; however, they usually prefer to prolong the examination for 3–4 days to ‘give time for the soul to leave the body’; during the COVID-19 pandemic, these timelines have to be shortened [100],” bahagi pa ng artikulo hinggil sa pagpapahalaga sa karapatan ng mga namatayan dulot ng COVID-19 PANDEMIC.

Sa pagkakatunghay ko rito sa nailathalang artikulo ay biglang sumagi sa aking ala-ala ang mga namatayan dito sa ating bansa, kabilang na rito ang marami kong kakilala na dumanas lang ng hirap sa paghinga ang kanilang asthmatic o may hika na kapamilya ay ipapa-tsek-ap lamang dapat sa pagamutan.., pero diretso iniratay na sa ospital at hinde na nasilayan pa ng mga kapamilya. Masaklap, nang iimporma ng hospital staff na patay na ang kanilang kapamilya ay diretso na sa CREMATORIUM (siyempre pa sa crematorium contact ng hospital).., na hinde na kinailangan pa kung ano ang kagustuhan ng kapamilya ng namatay kundi ang kailangang bayaran nila ay ang napakalaking HOSPITAL BILLS at CREMATORIUM BILLS.

Sobrang sikil at sama ng loob ang dinanas ng mga kababayan nating namatayan nitong panahon ng pandemya, na mababasa sa cause of death ay “SUSPECTED COVID-19”.., hinde pa kumpirmado pero tinanggalan na ng karapatan ang mga kapamilya sa kung ano ang dapat gawin sa kanilang kapamilyang namatay.., kundi, ang ospital na mismo ang nagpapasiya na agad ipinapadala sa CREMATORIUM (dahil ba sa komisyon na mababahagi ng mga hospital staff mula sa crematorium?).

Ang siste kasi mga ka-ARYA, ang mga sintomas ng COVID-19 ay lagnat, ubo, kakapusan ng hininga, panginginig, pagpapawis sa gabi, pananakit ng lalamunan, pagkahilo, pagsusuka, pagtatae, pagkapagod, pananakit ng kalamnan o katawan, pananakit ng ulo, pagkalito, o pagkawala ng panlasa/pang-amoy.., na isa lang sa mga sintomas na ito ang mataglay ng bawat indibiduwal ay mailalagay na sa kategoryang SUSPECTED COVID at ang masaklap ay bawal daw ipa-awtopsiya para masuri dapat kung ano ang naging sanhi sa ikinasawi ng pasyente.

Natatandaan ko.., noong ipairal ang LOCKDOWN dahil sa COVID-19 PANDEMIC noong March 14 ng nakaraang taon (kaya mag-iisang taon na ang pandemic) ay ipinahayag ng ating mga HEALTH OFFICIAL ang paghihigpit sa pagpapairal ng HEALTH PROTOCOLS …, na kabilang ang agarang CREMATION sa mga mamamatay…, yun pala, sa ibang bansa ay buong galang na ipinairal ang respeto sa tradisyong ginagawa sa mga patay, pero siyempre naroon pa rin ang kahigpitan sa social distancing, pagsusuot ng facemask, pinaikli ang araw ng lamayan at limitasyon sa mga makikiramay sa namatayan.

Kumbaga, sa ating bansa ay nalapastangan ang dapat sana’y respetong ibinibigay sa namatay at sa mga namatayan base sa pananampalatayang ipinaiiral sa kung anong relihiyon ang kinaaaniban ng mga namatayan!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.

The post Mga namatay sa Covid-19, napagkaitan ng karapatan ang mga pamilya? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mga namatay sa Covid-19, napagkaitan ng karapatan ang mga pamilya? Mga namatay sa Covid-19, napagkaitan ng karapatan ang mga pamilya? Reviewed by misfitgympal on Marso 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.