Facebook

Kernel na gumahasa sa anak timbog

TIMBOG sa ikinasang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng mga otoridad ang isang itinuturing na Top Most Wanted Person ng DILG-Cordillera Autonamous Region sa Barangay Balintawak, Lipa City, Batangas.
Kinilala ang naaresto na si Ronaldo Olarte, 56 anyos, tubong Baguio City, naninirahan sa naturang barangay, at dating police colonel na wanted sa panggagahasa sa sariling anak na babae
Ayon sa ulat, 15 taon nagtatago si Olarte. Naaresto ito 7:20 ng gabi sa Balintawak Road, Lipa City ng pinagsanib na puwersa ng Baguio City Police, at PNP-Integrity Monitoring Enforcement Group (IMEG) katuwang ang Batangas Police.
Sa report, nakasuhan si Olarte ng incestuous rape noong 2006.
Si Olarte, na naitala rin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) bilang “most wanted personality” at may P135,000 patong sa ulo, ay sinibak sa serbisyo at nawala sa PNP roll noong Pebrero 2006, isang buwan matapos gawin ang karumal-dumal na krimen sa sariling anak.
(Jose ‘Koi’ Laura)

The post Kernel na gumahasa sa anak timbog appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Kernel na gumahasa sa anak timbog Kernel na gumahasa sa anak timbog Reviewed by misfitgympal on Marso 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.