Facebook

Director ng GABMMC, na-hack ang FB account

NANANAWAGAN si Dr. Ted Martin, ang guwapo, masipag at mabuting direktor ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) sa kanyang mga kaibigan, kaanak at mga kakilala na huwag pansinin ang anumang solicitation gamit ang kanyang pangalan dahil na-hacked ang kanyang Facebook account noong isang linggo.

Nasorpresa si Doc. Ted makaraang makatanggap ng maraming tawag sa kanyang mga kaibigan na labis na nag-aalala at kinukumusta siya at ang kanyang anak na na lalaki.

Dito na napagalaman ni Doc Ted na may gumagamit ng kanyang account sa pagso-solicit ng pera sa kanyang mga kaibigan at contacts dahil na-stranded umano sila sa ibang bansa at naaksidente ang kanyang anak kung kaya’t kailangan ng perang pampagamot.

Ayon pa kay Doc Ted, ang FB hacker ay panay ang contact sa kanyang mga kaibigan sa pamamagitan messenger at humihingi ng perang nagkakahalaga ng P30,000 hanggang P40,000 bilang tulong pinansyal umano.

Bilang patunay ay ipinadala ng mga kaibigan ni Doc Ted ang screenshot ng usapan sa pagitan ng hacker at ng kanyang mga kaibigan.

Idinagdag pa ni Doc Ted na nagtatanong pa ang hacker sa kanyang mga kaibigan kung mayroon silang GCash sa intensyong mapadali ang pagpapadala ng pera.

Dahil na rin sa sobrang kaabalahan sa kanyang pinatatakbong ospital at sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 at sa paghahanda sa bakuna ay sinabi ni Doc Ted na wala na siyang oras upang magsampa ng kaukulang reklamo sa hacker.
Sa halip ay pinayuhan na lamang ni Doc Ted ang kanyang mga kaibigan at contact na huwag ng pansinin ang mga messages ng solicitation.

Umaasa naman si Doc Ted at tatanawing malaking utang na loob kung may isang gagawa ng paraan upang ma-entrap at maparusahan ang hacker.

Ang butihing doktor na patuloy sa pagtulong sa di mabilang na mga taga-Maynila at maging hindi residente ng lungsod sa pamamagitan ng free medical services ng pamahalaang lungsod ay labis na nalulungkot kung bakit may mga indibidwal na nakakaisip na gumawa ng ganitong uri ng kalokohan upang makakuha ng pinaghirapang pera ng kanilang kapwa sa gitna ng pandemya.

Ang malala pa ay gagamitin pa ang kanyang anak at palalabasing naaksidente.

“Ang mga hacker na ito ay nararapat lang na ma-karma. Ang sama,” pahayag ni Doc.Ted.

Samantala ay ikinalungkot naman ni Doc Ted ang collegial decision sa GABMMC kung saan ay pansamantalang ihihinto ang free medical services para sa kababaihan bilang paggunita sa Women’s Month tulad ng pap smear at iba pa.

Ayon kay Doc. Ted ay tumaas ang COVID cases sa lugar na sakop ng kanyang ospital kung kaya abala sila sa paggagamot ng mga tinamaan ng virus upang makontrol din ang sitwasyon.

Ang GABMMC ay nagsisilbi sa mga residente ng first district ng Tondo na siyang laging kabilang sa top three sa lugar na maraming kaso ng COVID-19.

Tulad din ni Mayor Isko Moreno, walang ibang hinihiling si Doc Ted kundi ang huwag magpabaya ang mga residente ng lungsod sa kanilang proteksyon kontra COVID at huwag isipin na wala na ang virus. (ANDI GARCIA)

The post Director ng GABMMC, na-hack ang FB account appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Director ng GABMMC, na-hack ang FB account Director ng GABMMC, na-hack ang FB account Reviewed by misfitgympal on Marso 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.