DINISPATSA ni Alex Eala ang kalabang Swiss Simona Walter, 6-1,6-4, para simulan ang kanyang title bid sa ITF Rafa Nadal Academy ng Movistar World Tennis Tour sa Manacor, Spain nitong Miyerkules.
Ang 15-year – old Eala, na sa kanyang ikatlong appearance sa $25,000 event, ay mainit sa opening set bago dumanas ng matinding hamon kay Walter sa isang oras, at 45 minutong paluan.
Ang Filipino bet ay lubog sa 4-3 second set deficit at mapanalunan ang sumunod na three games patungo sa tagumpay.
Dahil sa tagumpay ay naikasa ni Eala ang second-round meeting sa 3rd seed Jana Fett ng Croatia, na nakaligtas kay Latvia’s Diana Marcinkevica, 3-6,6-3,6-3.
Fett, ay ranked No.210 at sariwa pa sa semifinals finish sa W25 Poitiers sa France nakaraang Linggo.
Sumabak rin si Fett sa qualifying round ng 2021 Australian Open, pero nabigong makapasok sa main draw.
Puntirya ni Eala na masungkit ang second pro title matapos magwagi sa W15 Manacor event nakaraang Enero.
The post Eala pinataob ang kalabang Swiss sa Manacor tilt opener appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: