INANUNSYO ng PLDT Home Fibr Hitters ang kanilang pagbalik sa Premier Volleyball League nitong Miyerkules, Marso 3.
Ang anunsyo ay lumabas ilang oras matapos ang sister team Cignal HD Spikers ay isiwalat ang kanilang pagpasok sa pro volleyball league, para hamunin ang powerhouse teams na pinangunahan ng Creamline Cool Smashers sa paparating na Open Conference na pansamantalang nakatakda sa Mayo.
“We are very deeply engaged in Philippine sports, supporting various sports — including volleyball — for a long time through the MVP Sports Foundation. We have always believed in the power of sports to make the lives of Filipinos better,” Wika ni PLDT Chief Revenue Officer Al Panlilio sa statement.
“It definitely feels like a revival for our team since it feels good to be back home,” Sambit ni PLDT and SMART Head of Sports Jude Turcuato. “It is about time that we go back to our roots which is the PVL. It’s just refreshing to have a new beginning.”
Huling naglaro ang PLDT sa liga, sa tinawag na V-League,anim na taon ang nakaraan kung saa napanalunan ang Open and Reinforced Conference titles.
Multi-titled coach Roger Gorayeb, ang hahawak sa koponan na binobou nina Rhea Dimaculangan,Isa Molde,Eli Soyu, Marist Layug,Chin Basas, Iza Viray, Yeye Gabarda, Shola Alvarez, Aiko Urdas,Joyce Sta Rita, Alyssa Eroa, Vira Guillem, Jorelle Singh at Kat Villegas.
“Labing-apat na taon ako sa V-League. Umpisa pa lang niyan, kasama ko na sina Sir Ricky (Palou) kaya sobrang nakakatuwa na makakabalik na kami. Sana matuloy namin yung magandang legacy ng PLDT sa PVL,” Tugon ni Gorayeb, na nagwagi ng eight championships sa V-League.
The post PLDT Home Fibr Power Hitters babalik sa PVL appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: