DAPAT siguro tularan ng mga ahensya ng gobyerno maging ng mga pribadong kumpanya ang naging hakbang ng DILG hinggil sa mga organisasyong sasalihan ng kanilang mga empleyado. Sinisigurado lang nila kapakanan ng mga empleyado laban sa mga mapanghimok na organisasyong nagpapanggap lang palang makatao pero sa halip ay nagkakanlong naman pala ng armadong pakikibaka at kalaunan ay magpapabagsak sa mismong institusyong nagpapasahod sa kanila. Nitong nakaraan nga, sa halip na susugan ay binatikos pa ni Bayan Muna Rep. Gaite ang panulat na inilabas ng nasabing ahensya laban sa grupong COURAGE, na agad namang nagpaliwanag ang mabuting idudulot nito sa ahensya. Nailantad din kamakailan na may mga itinanim na tao ang mga armadong NPA sa iba’t ibang institusyon sa pamamagitan ng mga legal na organisasyon pero sa likod nito ay kumukupkop at sumusuporta pala sa NPA. Kaya sa ginawang ito ni Gaite hindi na talaga maitatwa ng Bayan Muna at ibang kaalyado nito lalo na sa Makabayan Bloc ang koneksyon sa CPP-NPA. Dapat maging mapagmatyag at mapili sa mga grupong sasalihan at siguruhing kabutihan ng nakakarami ang mangibabaw. -Maiah Tecel
Higpitan ang matataong lugar
Dapat ang higpitan ay ang mga matataong lugar dahil hindi nasusunod ang social distancing gaya ng palengke, jeepney at bus. Yan talaga ang problema. Sa mga jeep at bus walang humuhuli… kaya punuan sa loob, dyan walang social distancing. Sino ba me responsibilidad para dito? Di gaya sa mga palengke me pulis patrol na umaaksyon.. – Concern citizen
The post Hakbang ng DILG kontra NPA appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: