Facebook

Housing assistance sa mga nasunugan sa Cagayan de Oro City ibinigay ng NHA sa tulong ni Bong Go

SA pakikipagtulungan ni Senator Christopher “Bong” Go sa National Housing Authority, binigyan ng housing assistance ang mga pamilyang nasunugan sa Centro Kolambog at San Lazaro, Lapasan sa isinagawang aid distribution activity sa NHA Regional Office X sa Macabalan, Cagayan de Oro City.

“Ngayon, nandiyan ang ating mga national agencies, nandiyan ngayon ang ating NHA, mayroon silang dalang tulong ito ang programang EHAP (Emergency Housing Assistance Program),” ayon sa senador.

Pinasalamatan ni Go ang NHA, ang regional at district officials nito, at iba pang concerned government agencies sa kanilang pagtulong sa mga nasunugan upang makapagpatayo muli ng kanilang mga bahay.

“Salamat talaga sa NHA. […] Salamat rin kay Engineer Rolando Teves, regional manager, Engineer Fe Ancheta, district manager ng NHA, Lorraine Brillantes ng DTI (Department of Trade and Industry) at Kapitan Julito Ogsimer ng Lapasan. Salamat sa inyong lahat,” ani Go.

Ang ibinigay na housing assistance ng NHA ay nasa ilalim ng Emergency Housing Assistance Program nito sa mga pamilyang ang bahay ay naabo sa sunog.

Batid ang pangangailangan ng bawat pamilyang Filipino ng disenteng tahanan, inihain ni Go ang Senate Bill No. 203 o ang National Housing Development, Production and Financing Bill, noong July 2019. Layon nito na makapag-generate at makapag-mobilize ng pondo para madagdagan ang low-cost housing production; makapagbigay ng support mechanisms para maging maayos ang access sa housing options; gagarantiya sa development ng strong, sustainable, accessible at affordable housing finance system; at pagpapataas ng private sector participation.

Inihain din ni Go noong December 2019 ang SBN 1227 o ang Rental Housing Subsidy Program Act na magbibigay sa mga pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa natural at man-made disasters ng access sa formal housing market sa pamamagitan ng pag-aalok ng rental subsidy.

“Ito lang po ang lagi natin tatandaan: minsan lang po tayo dadaan sa mundong ito, kung ano po kabutihan ang pwede natin maitulong sa kapwa tao natin ay gawin na natin dahil hindi na po tayo babalik sa mundong ito,” sabi ni Go.

“Kami ni Pangulong Duterte ay patuloy na magseserbisyo sa inyo dahil para sa amin ang serbisyo sa tao ay serbisyo rin sa Diyos,” ayon sa senador. (PFT Team)

The post Housing assistance sa mga nasunugan sa Cagayan de Oro City ibinigay ng NHA sa tulong ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Housing assistance sa mga nasunugan sa Cagayan de Oro City ibinigay ng NHA sa tulong ni Bong Go Housing assistance sa mga nasunugan sa Cagayan de Oro City ibinigay ng NHA sa tulong ni Bong Go Reviewed by misfitgympal on Marso 17, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.