Facebook

World Bank loan tiyak na ibibili ng sapat na bakuna — Bong Go

MATAPOS kumpirmahin na inaprubahan ng World Bank ang $500 million o P24.2 bilyong utang para suportahan ang pagsisikap ng gobyerno na makabili ng COVID-19 vaccines, tiniyak ni Senator Christopher “Bong” Go sa publiko na gagamitin ng pamahalan sa tama at maayos ang nasabing pondo sa pagbili ng bakuna.

Sa panayam matapos niyang pesonal na pangunahan ang pagtulong sa 1,500 biktima ng Typhoon Ulysses sa Tuguegarao City, Cagayan, sinabi ni Go na masusing sinusunod ng gobyerno ang mga alituntunin para matiyak na ang inutang na pondo sa WB ay maayos na magagastos.

“Alam niyo, very strict po ang ating gobyerno sa mga sinusunod na guidelines bago po magkaroon ng pagbabayad sa ibang bansa, dapat siguraduhin po ng ating gobyerno na magamit po ang pera sa tama at sa wasto,” ani Go.

“Ang importante dito ay mabigyan tayo ng prayoridad sa bakuna dahil alam naman po natin na tanging bakuna lang po ang solusyon, tanging bakuna lang po ang susi para unti-unti tayong makabalik sa normal natin na pamumuhay,” dagdag niya.

Iginiit ni Go ang krusyal na papel ng bakuna upang mapigil na ang paglaganap ng virus.

“Mas mapapadali na ngayon ang pagsugpo natin sa COVID-19 dahil nakapagsimula na tayo magbakuna at unti-unti na natin nabibigyan ng proteksyon ang ating mga health care workers at iba pang frontliners,” paliwanag ng senador.

Inaprubahan ng WB nitong Biyernes ang nasabing utang na gagamitin sa public health measures, gaya ng pagtatayo ng online platforms na siyang kakalap sa reaksyon ng taongbayan sa vaccination program na isinasagawa ng gobyerno.

“Procuring and administering vaccines provides the country an added layer of defense against COVID-19 on top of public health measures or interventions like social distancing, wearing of masks, and washing hands,” sabi ni Ndiamé Diop, World Bank country director for Brunei, Malaysia, Philippines and Thailand.

“Inclusive deployment of vaccines in line with the World Health Organization Fair Allocation Framework is critical for preventing grave illness and deaths from COVID-19, opening the economy in earnest, ensuring a resilient recovery, and restoring jobs and incomes,” dagdag ni Diop.

Sa ngayon, ang Pilipinas ay nakatatanggap na ng 600,000 Sinovac COVID-19 vaccines mula sa Chinese government at 525,600 AstraZeneca vaccines mula sa COVAX Facility ng World Health Organization.

Dahil dito, hinimok ni Go ang publiko na magtiwala sa health experts, maging sa safety at efficacy ng bakuna na aniya’y tanging daan upang makabalik na sa normal ang bansa.

“Ang importante dito, ‘wag kayong matakot sa bakuna, mga kababayan ko, sa kapwa ko Pilipino, ‘wag kayong matakot sa bakuna, matakot po kayo sa COVID-19 dahil ang COVID-19 po ang nakakamatay,” ani Go.

“Ang bakuna po ang papatay sa COVID-19, ‘yun lang po ang susi para unti-unti na tayong makabalik sa normal natin na pamumuhay, ang bakuna lamang po,” anang senador. (PFT Team)

The post World Bank loan tiyak na ibibili ng sapat na bakuna — Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
World Bank loan tiyak na ibibili ng sapat na bakuna — Bong Go World Bank loan tiyak na ibibili ng sapat na bakuna — Bong Go Reviewed by misfitgympal on Marso 17, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.