Facebook

Patay na, gumagana pa!

BASTA sa larangan ng pagkakaperahan, kahit nasa “six feet below the ground” na ay ginagamit pa rin ang pangalan ng isang dating notoryus na illegal drug at gambling maintainer para tuloy-tuloy pa rin ang pagtabo ng salapi ng mga naiwan nitong alipores.

Ganito ang naging masaklap na kapalaran ni alias Jun Moriones, ang enkargado ng pa-jueteng ni alias John Yap na nag-ooperate sa Rizal, Cavite, Laguna Taguig City at Oriental Mindoro. May pa-lotteng din sina John Yap at Jun Moriones sa CAMANAVA area, Maynila at ilang mga siyudad sa Metro Manila.

Enkargado ang namayapang Jun Moriones pagkat si Ka Jun ang kausap ng mga pulitiko, pulis, CIDG, NBI official at iba pang opisyales ng pamahalaan na nagpapatupad ng batas laban sa droga at jueteng.

Patay na nga at sa katunayan ay kalilibing pa lang ngunit pinalilitaw pa din ng kanyang mga naiwang alalay, sina Zalding Kombat, Kaloy Kolanding, Alwin, Menong, Abion Hero at Kap. Larry Kalbo na pamilya pa rin nina Moriones at John Yap ang nagmamaneobra sa kanilang pailigal sa nabanggit na mga lalawigan, siyudad at bayan.

Akala lang pala natin ay sa Rizal lang nanghahalibas sina John Yap at Jun Moriones pagkat sinibak na ang operasyon ng jueteng ng mga ito dahil sa pandadaya at di pagbabayad sa mananaya sa lalawigan ng Cavite ngunit ang totoo ay drama lamang pala ang lahat ng mga alalay nila sa Cavite.

Dapat na malaman ni OIC Director General, PLtGen. Guillermo Eleazar na pinapuputok pala nina Zalding Kombat, Kaloy Kolanding, Alwin, Menong at Abion na kaalam ang tanggapan ni PDG Debold Sinas sa operasyon ng jueteng sa mga lalawigan ng Cavite, Rizal, 4th District ng Laguna at Metro Manila area.

Kaya kung nagamit nina John Yap, Jun Moriones, Zalding Kombat, Kaloy Kolanding at Alwin ang tanggapan ni PDG Sinas ay di malayong palitawin din ng mga hinayupak na ito na patuloy pa rin ang agos ng kanilang biyaya mula sa jueteng sa opisina sa Camp Crame ng naka-sick leave na PNP Chief.

Di nga kataka-takang mangyari ito pagkat nagawa na ring magasgas ng mga ito ang pangalan ni Cavite Governor Junvic Remulla sa pakikipagsabwatan ng isang alias Menong.

Si Menong ay nagpapakilalang “bagman” ni Gov. Remulla at ito rin mismo ang nagbigay ng bendisyon kina John Yap, Jun Moriones, Zalding Kombat, Kaloy Kolanding at Alwin para magpa-full blast jueteng operation sa Cavite City, Gen. Trias City at lahat na siyudad at bayan sa nasabing lalawigan.

Hindi sa pinakikialaman ng inyong lingkod ang anumang anggulong tinutungo ng imbestigasyon sa pagkakapaslang kay Jun Moriones pagkat alam natin na batikang intelligence officer si Laguna PNP Provincial Director Serafin Fetalio.

Ngunit may nakarating na ulat sa SIKRETA na posibleng mga kapanalig din ni Jun Moriones ang “nagpatrabaho” sa kanya bagamat may police escort pa ang nasabing iligalista nang maganap ang pagpatay dito noon pang March 12, 2021 sa isang derma clinic sa San Pablo City. Isang Chito, kapatid ng isang kongresista at nagpapatakbo ng Peryahan ng Bayan (PnB) cum jueteng sa nabanggit din mga lalawigan ang hinihinalang kasangkot sa pagpapatumba kay Jun Moriones.

Samakatwid posibleng alinman pala kina alias Chito, Zalding Kombat, Kaloy Kolanding, Alwin, Menong, Abion at John Yap ang kaalam sa pagkalikida kay Jun Moriones sa hangaring masolo ang operasyon ng kalakalan ng shabu at pa-jueteng sa nasabing mga probinsya, siyudad at bayan.

Ayon sa ating police insider ay naglalakad na pala ang grupo nina Jun Moriones at John Yap para mapasakamay ng mga ito ang operasyon ng jueteng sa lalawigan ng Batangas at sa buong Laguna nang maganap ang malagim na kamatayan nito.

Gayon pala’t droga, jueteng at lotteng ang puno’t-dulo sa pagkakapatay kay Jun Moriones, ay bakit di pa nilalansag ng kapulisan ng Region 4-A ang pajueteng nina John Yap, Jun Moriones, Zalding Kombat, Kaloy Kolanding, Alwin, Menong at Abion sa Cavite, Rizal at Laguna?

Ang lagay ba nito ay natutulog lang sa pansitan sina Gen. Natividad, Col Santos, Col. Arguelles at Col. Fetalio? Sana aksyunan na ito ng tanggapan ni Gen. Eleazar?

***

Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144, email: sianing52@gmail.com

The post Patay na, gumagana pa! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Patay na, gumagana pa! Patay na, gumagana pa! Reviewed by misfitgympal on Marso 17, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.