Facebook

Jueteng at tupada, umarangkada sa Taguig habang matindi pa ang Covid-19

KASAMA ang Lungsod ng Taguig sa mga lungsod na maraming kaso ng coronavirus disease – 2019 (COVID – 19).

Ngunit, ang maganda sa Taguig ay mahigit 100 lamang ang kumpirmadong aktibong kaso ng nasabing virus mula sa mahigit 12,000 residente ng lungsod na kumpirmadong tinamaan ng COVID – 19 mula noong Marso ng nakalipas na taon.

Sa aking pagkakaalam, palaging ipinaaalaa ni Mayor Lino Cayetano sa mga naninirahan sa lungsod na siguraduhing nagsusuot ng face mask, face shield, isang metro ang layo ng mga tao sa isa’t isa at huwag magkumpulan upang makontrol ang pagkahawa ng bawat residenteng mayroong COVID – 19 sa isa’t isa.

Nakapaskil din sa facebook account ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang ganitong mensahe sa mga residente: “IREPORT SA SAFE CITY TASK FORCE ANG MGA VIOLATION”

Sa kabila ng pagbaba ng bilang ng mga active cases ng COVID-19 sa ating lungsod, maiging patuloy tayong sumunod sa mga health protocol at guidelines na ipinapatupad ng ating lokal na pamahalaan.

Pinapayuhan ang bawat Taguigen~o na maging alerto, mapagmasid sa paligid at makipagtulungan. Sakaling may nakitang paglabag sa mga implementasyon ng mga protocol at guidelines, maaari itong ireport sa Safe City Task Force upang mabigyan ng agarang aksyon.

I-send sa Safe City Task Force ang mga nakitang violation sa pamamagitan ng mga sumusunod: Hotline: 09178331327; Facebook Messenger: Safe City Taguig

E-mail: covidfaq@taguiginfo.com”.

Noong Nobyembre 15,2020 pa ang nasabing paalala.

Ngunit, alam ba ninyong balewala ang paalalang ito?

At alam ba ninyong mga pulis ng lungsod at mga opisyal ng ma barangay ang nagbalewala nito?

Pokaragat na ‘yan!

Nakarating sa BIGWAS! ang impormasyon na nitong mga nakalipas na linggo ay umarangkada na ang jueteng at tupada sa lungsod.

Jueteng mismo , hindi jueteng bilang prente ng small towm lottery (STL) ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Pokaragat na ‘yan!

Walang suot na face shield at walang alcohol ang nagpapataya sa jueteng.

Pero, nakasuot sa baba nila ang face mask.

Pokaragat na ‘yan!

Tapos, ang matindi ay ang tupada.

Iba pa ito sa online ng live sabong.

Isa sa kilalang pinagdarausan ng tupada ngayon ay isang komunidad sa Barangay Hagonoy.

Ang punong barangay ng Hagonoy ay si Renato Gutierrez na mayroon nang mamahaling sasakyan ngayon.

Nagaganap ang sabong sa isa sa mga komunidad ng Brgy. Hagonoy, ngunit matagal na itong hindi pinupuntahan ni Gutierrez dahil ipinasa na raw ng pamahalaang barangay ang kapangyarihan, trabaho, tungkulin at obligasyon nito sa samahan ng mga residente.

Ngunit, ayon sa impormasyon, hindi porke kontrolado ng samahan ng mga residente ang pamayanang sinasabi ko ay hindi alam ni Gutierrez ang sabong na nagaganap sa kanyang nasasakupan.

Imposibleng hindi rin ito alam ng mga kagawad ni Gutierrez tulad ni Armando Parce dahil kung ignorante sila, masasabing “bopol” ang kanilang intelligence work.

Upang malaman nina Mayor Cayetano at Col. Celso Rodriguez ang tupada sa Brgy. Hagonoy na nakatimbre sa isang alyas “Garce” o “Garci”, mainam na magpakilos at magpapuwesto sila ng mga pulis.

Sayang ang ginagawa ng administrasyon ni Cayetano laban sa COVID – 19 kung mayroong mga opisyal ng barangay at samahan ng mga naninirahan sa lungsod ang pabayasa kanilang gawain, tungkulin at obligasyon dahil lamang sa iligalidad tulad ng jueteng at sabong.

The post Jueteng at tupada, umarangkada sa Taguig habang matindi pa ang Covid-19 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Jueteng at tupada, umarangkada sa Taguig habang matindi pa ang Covid-19 Jueteng at tupada, umarangkada sa Taguig habang matindi pa ang Covid-19 Reviewed by misfitgympal on Marso 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.