Facebook

‘KABIT’ NI MISIS TINARAKAN NI MISTER!

PINAGSASAKSAK ang isang lalaki ng kanyang kasamahan sa farm ng mga manok na panabong sa Bago City, Negros Occidental.
Kinilala ang biktima na si Rommel Marquino, 26 anyos, handler ng manok na panabong at tubong Bago City.
Nadakip naman sa follow-up operation ang salarin na si Daly Villaguarda, 39, taga- Barangay Bagtik, San Remegio.
Sa report ng Bago City Police Station, 11:30 ng gabi nang maganap ang krimen sa Upper Pandan, Brgy. Pandan ng naturang lungsod.
Ayon sa ulat, mahimbing na natutulog ang biktima sa kanilang barracks nang dumating si Villaguarda na lango sa alak at pinagsasaksak sa dibdib ang biktima saka mabilis na tumakas.
Sa kabila ng mga tama ng saksak, nagawa pang humingi ng tulong ng biktima sa kalapit na farm at sinabing sinaksak siya ni Villaguarda.
Itinakbo sa ospital ang biktima subalit ‘di na umabot ng buhay sa pagamutan.
Ilang oras ang nakalipas, nahuli ng mga pulis ang si Villaguarda sa follow-up operation.
Depensa ng salarin, nalaman niyang may relasyon ang biktima at kanyang asawang si Geraline, 25, kaya niya nagawa ang krimen.

The post ‘KABIT’ NI MISIS TINARAKAN NI MISTER! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘KABIT’ NI MISIS TINARAKAN NI MISTER! ‘KABIT’ NI MISIS TINARAKAN NI MISTER! Reviewed by misfitgympal on Marso 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.