SA kabila ng mga napabalitang ADVERSE EFFECT na sinapit ng mga taga-ibang bansa na nagpaturok ng COVID VACCINE na may mga namatay pa matapos mabakunahan ay hinde naging sagwil ang ilan nating mga kababayan at sa halip ay nanawagan si MARIKINA CITY MAYOR MARCELINO “MARCY” TEODORO na kailangan ngayon sa ating bansa na maging halimbawa ang mga MAYOR na manguna sa pagpapabakuna upang mapasunod ang mga constituent.
Nitong Linggo ng hapon dunating sa bansa ang mga inorder na SINOVAC VACCINES at nitong Lunes pinasimulan naman ang pagbabakuna sa METRO MANILA.., yun nga lang marami ang umurong sa mga nagpalistang magpapabakuna dahil sa pagkaunsiyame na ang kanilang inaasahan ay ang bakunang nagsasabi na 99% EFFICACY at hinde ang 50-50% EFFICACY na bakunang idinating sa ating bansa.
Mismong ang SINOVAC EXPERTS nga naman ang nagsasabing 50-50% ang EFFICACY ng kanilang bakuna.., pero dahil sa maraming umayaw magpabakuna ay iba na ang naririnig sa ating mga GOVERNMENT OFFICIALS na pawang pamumuri na ang maririnig patungkol sa SINOVAC at sinasabi pang 100% safe efficacy ang naturang bakuna.., hehehe, kumbaga e nahalintulad sa komersiyal sa telebisyon.., todo ang naging promosyon para lamang mahikayat muli ang mga nagsiayaw na FRONTLINERS para magpabakuna na ang mga ito.
Sa pangangampanya na pagtiwalaan ang SINOVAC ay nariyan si MARIKINA CITY MAYOR MARCELINO “NARCY” TEODORO na nagpahayag na siya ang mauunang magpabakuna.., subalit nang siya’y sasalang na ay bigla itong tinawagan umano ng NATIONAL IMMUNIZATION TECHNICAL ADVISORY GROUP sa pamamagitan ni TESTING CZAR SECRETARY VINCE DIZON na nag-impormang ang mga MAYOR ay bawal muna sa pagpapabakuna sa ngayon upang ang mga HEALTH WORKER muna ang mabigyang pagkakataon para mauna sa mga mababakunahan.
“Inadvise ako through NTF Deputy Chief implementer and testing czar Vince Dizon na ang pahayag ng National Immunization Technical Advisory Group ng DOH (Department of Health), nina Secretary Duque, na hindi muna papayagang mabakunahan ang mga mayor na katulad ko dahil gusto nila na unahin ang mga healthcare workers,” pahayag ni MAYOR TEODORO.
Naipunto ni MAYOR TEODORO na kailangan umano ng mga lider na mangunguna.., mga lider na magiging halimbawa para pagtiwalaan ang proseso, pamamaraan at programa sa pagbabakuna.
“Sana ay payagan kaming mga Mayor na magpabakuna upang manguna at maging halimbawa, upang magkaroon ng tiwala ang ating mga kababayan sa proseso at pamamaraan ng pagbabakuna,” saad ni MAYOR TEODORO na aniya ay magpapalakas ito ng loob sa mamamayan na mahikayat upang magpabakuna ngayon.
Bagama’t may ilang mga HEALTH OFFICIALS ang naunang nagpabakuna para maipakita sa sambayanan ang kanilang pagtitiwala sa SINOVAC ay kaunti pa rin ang bilang ng mga nagpabakuna hanggang kahapon kumpara sa inaasahang dami ng mga nagpalistang magpapabakuna noong bago pa lamang idating sa ating bansa ang COVID VACCINE.
Kaya SALUDO ANG ARYA sa mga FRONTLINER na nagtiwala sa pagpapabakuna dahil nagawa nilang isakripisyo ang sarili nilang katawan o ang kanilang kalusugan sa kung ano ang magiging epekto sa kanila ng inieksperimentong bakuna. Nasa proseso pa rin ngayon ng EXPERIMENTATION ang lahat ng mga COVID VACCINES.., kaya ang termino sa ginagawa ngayon ng mga VACCINE MANUFACTURERS katuwang ang mga GOVERNMENT OFFICIAL sa panghihikayat ay nasa PROSESO sila ng HUMAN TRIALS!
Ika nga, ang mga nagpabakuna ay pumayag na maging bahagi ang kanilang katawan sa EXPERIMENTATION PROCESS ng mga bakuna, kesehodang anuman ang mangyari sa kanila na maramirami rin naman sa mga nagpabakuna lalo na sa mga ibang bansa ay namatay dahil sa ADVERSE EFFECT ng bakunang itinurok sa kanila.., pero depensa ng mga VACCINE MANUFACTURER na wala pa ring magpapatunay na ang bakuna ang ikinamatay ng mga nagpabakuna…, e di WOW!!! Tanging reaksiyon ng ARYA ay ang SALUDUHAN LAHAT NG PUMAYAG NA MAGING VACCINE EXPERIMENT ANG KANILANG MGA KATAWAN.., at taon ang bibilangin niyan para sa pag-oobserba sa sitwasyon ng mga nabakunahan.
Kaya, napakaaga pa para magsabi na SUCCESS dahil iilang araw pa lang ang mga naineksiyunan.., HOPE NO MORE WILL DIE FOR THIS HUMAN EXPERIMENTATION PROCESS!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.
The post Kailangan maging halimbawa ang mga lider — Marikina City Mayor! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: