BINIGYAN-DIIN ni Department of Labor (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na hindi na kakayanin pa ng gobyerno na muling sumailalim sa hard lockdown sa gitna ng pagsirit ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Ayon kay Bello, mas palalalain nito ang unemployment o ‘yung bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa bansa. Mababatid na ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority, nadagdagan ang bilang ng mga unemployed sa bansa sa 4-milyong katao. Paaalala ni Bello sa publiko, na paigtingin ang umiiral na health protocols kontra COVID-19. Kapag puro LOCKDOWN ang gagawin tiyak na maraming negosyo ang magsara at ma-stress dahil gutom at kawalan ng trabaho ?
***
Samantala itinutulak pa rin ng mga economic managers ng Pangulong Rodrigo Duterte ang tuluyang pagbubukas ng ekonomiya ng bansa sa kabila ng pagsirit ng bilang ng mga kaso ng COVID-19. Sa isang joint statement, binigyang-diin nina acting Socio economic Planning Sec. Karl Kendrick Chua, Finance Sec. Carlos Dominguez III, at Budget Sec. Wendel Avisado na maaari pa rin itong maisagawa nang ligtas lalo pa’t nagpapatuloy na ang vaccination program ng pamahalaan. Inihayag din nila na upang mapabilis ang pagsigla ng ekonomiya at paglikha ng marami pang mga trabaho ngayong taon, kailangan ang tinatawag na “three-pronged strategy”. Una ay ang ligtas na pagbubukas muli ng ekonomiya kasabay ng mahigpit na pagtalima sa health standards. Ikalawa ang implementasyon ng recovery package, lalo na sa mga napaglaanan na ng pondo ngunit hindi pa tuluyang nagagastos. Ikatlo ang pagsiguro na naipatutupad ang vaccine program na sasaklaw sa buong adult population. Pahayag ito ng economic managers matapos tumaas sa 1.6-milyon ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong Enero. Una rito, sa kabila ng tumataas na bilang ng mga kaso, hindi sinang-ayunan ng Malakanyang ang posibilidad na magpatupad muli ng lockdown dahil sapat na naman daw ang bilang ng mga kama sa intensive care units ng mga ospital, maging sa mga isolation facilities.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Samantala, laging subaybayan ang palatuntunang “walang personalan trabaho lang” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00nn sa RADYO NG MASA entertainment net radio. Tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band at 10:00am-11:00am sa DWXR 101.7FM – Mapapanood livestreaming via Facebook at Youtube!
The post Kapag puro lockdown maraming negosyo ang magsasara at ma-stress appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: