Facebook

Bag-woman o enkargada ng Plaza Miranda police detachment, VIP ang dating

MASYADONG very important person (vip) daw ang dating ng bag-woman o enkargada ng Plaza Miranda detachment sa Quiapo, Manila.

Nasabi nating enkargada o bag-woman ang pulis na ito dahil sa siya ay isang tomboy na babae. Siya lang ang may ganitong posisyon sa lahat ng presinto at detachment sa Manila Police District (MPD).

Kinilala ng mga vendor ang engkargadang ito na isang PO3 Celis na isang lehitimong pulis na naka-talaga sa Plaza Miranda detachment.

Sinasabi ng mga vendor sa buong area ng Quiapo na napaka-lupit daw nitong si Celis lalo na sa pangongolekta. Hindi daw pwedeng mag-pass o makiusap man lang.

Minsan na daw itong nasilip sa kanyang ginagawang kalakaran nguni’t mukhang malakas at matatag daw ito sa mga kinauukulan.

Sinibak lang daw sa posisyon ito kunyari nguni’t iniba lang daw ang istilo at pamamaraan ng kanyang pangongolekta nguni’t sa suma tutal daw ay siya pa rin ang nagdadala ng martsa.

Para daw mag mukhang kapani-paniwala,hindi na raw nagpa-pakita ito sa kanila ng personal bagkus ay mga kolektor na lang nito ang kumikilos at lumalabas na kanyang mga front.

Personal na lang daw na inindorso at binilin nito ang kanyang mga kolektor sa kanila. Ang mga ito daw ang lalabas na kanyang mga representante.

Ito rin anila ang dahilan kung kaya’t binansagan siyang isang VIP. Siya lang ang m,ay ganitong pribilehiyo sa lahat ng mga engkargado sa presinto at mga detachment na nasasakupan ng MPD.

Kung kukumpara sa pagkuha ng mga importanteng papeles at dokumento, in absencia at no personal appearance ang tomboy na ito lalo na sa pagkolekta ng pera he he he.

Talagang iba daw ang dating ni Celis dahil hina-hatid na lang sa kanyang bahay ang koleksiyon sa tulong na rin ng ibang pulis na nakikinabang din sa kanya, VIP nga, di po ba ?

Ito raw ang naging pamamaraan ni Celis mula nang siya ay masilip at mapuna ni Yorme noong nakalipas na mga buwan. Moro-moro lang daw ang ginawang aksiyon dito nguni,t hanggang sa kasalukuyan ay siya pa rin.

Hindi lang natin malaman kung itong si Tomboy ay kinukunsinti ng kanyang superyor partikular na ang detachment commander ng Plaza Miranda at Station Commander ng MPD-PS3 na nakaka-sakop dito.

ANO NAMAN KAYA ANG PALAKAD
NG VENDOR ORGANIZER SA QUIAPO?

Hanggang sa ngayon ay blanko pa rin ang ating isipan hinggil sa ginagawang palakad ng vendor organizer sa Plaza Miranda at buong area ng Quiapo.

Kung ang Tomboy na bagman ng Plaza Miranda ay ganon na lang ang ginagawang istilo eh ano naman kaya ang paraan nitong si Chairman Bunny dahil halos pareho lang naman ang kanilang trabahong ginagampanan.

Kung nag-iiyakan ang mag vendor sa palakad ni Celis, umiiyak din kaya ang mga ito sa istilo ni Chairman Bunny na alam nating mas makapangyarihan kaysa sa una.

Hanggang sa kasalukuyan ay wala pa tayong sagot sa mga inu-ugnay sa ating butihing Chairman na ‘di kaila sa atin ay isa sa mga taong pinagka0

katiwalaan ng ating masigasig na Alkalde.

Isa lang ang ating sini-siguro. Araw-araw na ginawa ng Diyos ay makikita natin si Chairman Bunny sa bisibilidad ng Quiapo at personal na ginagampanan ang trabahong inatas sa kanya, hindi kagaya ni Tomboy Celis na kailangan pang ihatid sa kanyang bahay ang koleksiyon mulsa sa mga vendor, parang may kulay at cover-up ha?

The post Bag-woman o enkargada ng Plaza Miranda police detachment, VIP ang dating appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bag-woman o enkargada ng Plaza Miranda police detachment, VIP ang dating Bag-woman o enkargada ng Plaza Miranda police detachment, VIP ang dating Reviewed by misfitgympal on Marso 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.