TODAS ang isang kumander ng komunistang New People’s Army (NPA) nang “manlaban” sa mga pulis at sundalo na magsisilbi ng ‘warrant of arrest’ sa Barangay Laganac, Libmanan, Camarines Sur, Linggo ng gabi.
Ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Carlito Perit, nasa hustong gulang, kumander ng Platoon 3, Larangan Uno, KP5 ng NPA-Camarines Sur at gumagamit ng mga alyas na Ka Alberto, Remer, Rival, Ruth,.
Sa ulat, 7:35 ng gabi natunugan ng mga intelligence officer na nasa lugar si Perit kaya agad bumuo ng arresting team ang 97 Military Intelligence Company, 9th Military Intelligence Batallion ng 9th Infantry Division ng Philippine Army, Provincial Intelligence Unit, Special Operation Unit ng Regional Intelligence Division 5, Provincial Mobile Force Company, Regional Mobile Force Batallion at Balatan Police upang isilibi ang warrant of arrest na inilabas ng dalawang branch ng Libmanan Regional Trial Court dahil sa mga kaso ng murder at frustrated murder.
The post Kumander ng NPA patay sa ‘warrant of arrest’ appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: