Facebook

2 linggong lockdown sa QC Hall of Justice, hiniling ng mga Huwes

Hiniling sa Court Administrator ng Supreme Court (SC) ang mga Huwes ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) na isailalim sa dalawang linggong lockdown ang Hall of Justice.
Sa pangunguna ng Executive Judge ng QC, ipinaabot ni Cecily Burgos-Villabert kay Court Administrator Jose Maidas Marquez na dapat umanong isara ang lahat ng korte sa lungsod dahil sa pagdami ng COVID-19 cases.
Sa loob lamang ng buwan ng Marso 2021, umabot sa siyam na empleyado nila ang nahawaan umano ng virus, pinakamataas na ito mula ng pumasok ang COVID-19 sa bansa.
Sa kanilang mungkahi, nais nilang isara muna mula March 22 hanggang April 4 ang lahat ng korte upang bigyang daan ang ‘disinfection.’
Mananatili naman aniya ang ‘daily workload’ ng mga empleyado dahil gagawin ito sa pamamagitan ng online.
Masyado ng nababahala umano si Judge Villabert sa patuloy na pagtaas ng mga nahahawaan ng virus kung saan masyadong expose ang lahat ng Court personnel.
Una nang inaprubahan ng SC ang 30%-50% na skeletal work sa mga korte dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga may COVID-19.(Ernie Dela Cruz)

The post 2 linggong lockdown sa QC Hall of Justice, hiniling ng mga Huwes appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 linggong lockdown sa QC Hall of Justice, hiniling ng mga Huwes 2 linggong lockdown sa QC Hall of Justice, hiniling ng mga Huwes Reviewed by misfitgympal on Marso 23, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.