Facebook

Resbakuna sa QC District 2 health workers, umarangkada na

Mahigit sa 1,000 health workers ang naghihintay at nakatakdang mabakunahan ng Astrazenica sa pag-arangkada ng Resbakuna sa District 2 ng Quezon City, na nagsimula nitong Lunes
Ito’y matapos sumalang sa screening ang mga health workers ng QC kung saan mahigit 1,000 doses ng bakuna mula sa Department of Health ang kanilang tinanggap.
Ayon kay Dra. Lanie Buendia, OIC Health Officer ng District 2 Quezon City Health Department, aabot 5,700 na mga medical frontliners sa buong QC ang nakatakdang mabakunahan gamit ang AstraZenica at Sinovac Vaccine.
Sa Batasan National High School, mayroong 1,000 health workers para 1,000 doses ang babakunahan.
Nitong Lunes, may 165 ang tumanggap ng AstraZenica habang 200 ang inaasahan na mababakunahan at ang natitirang hindi nabakunahan ay maaaring hanggang Huwebes.
Nabatid na wala namang napaulat na ‘adverse effect’ sa unang araw ng Resbakuna sa Batasan QC ngunit minomonitor pa rin umano ng health department ng lungsod ang mga una ng nabakunahan.(Ernie Dela Cruz)

The post Resbakuna sa QC District 2 health workers, umarangkada na appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Resbakuna sa QC District 2 health workers, umarangkada na Resbakuna sa QC District 2 health workers, umarangkada na Reviewed by misfitgympal on Marso 23, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.