SA nakalipas na 24 oras, nakapagtala ng 102 volcanic earthquakes ang Bulkang Taal sa Batangas.
Kabilang dito ang 87 episodes ng volcanic tremor na ang tagal ay umabot ng 1 hanggang 8 minuto.
Nakapagtala rin ng mahinang pagbuga ng steam-laden plumes sa Main Crater ng bulkan na ang taas ay umabot sa 5 metro.
Noong Lunes, March 22, ang sulfur dioxide emission mula sa bulkan ay umabot sa 1,013 tonnes per day ang average.
Magugunitang March 9 ay itinaas ng PHIVOLCS ang Alert Level 2 (Increased Unrest) sa Taal Volcano.
Paalala ng PHIVOLCS, sa ilalim ng Alert Level 2, maaring magkaroon ng biglaang steam-driven o phreatic explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall, at expulsions ng volcanic gas.
Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island, Permanent Danger Zone sa bisinidad ng Main Crater at sa Daang Kastila fissure.
The post 102 volcanic earthquakes naitala sa Bulkang Taal appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: