MUKHANG hindi na kinaya ni Senador “Ping” Lacson ang mga kapalpakan ng gobiernong Duterte.
Oo! Kung dati-rati ay nagtitimpi at medya medya lang si Lacson sa kanyang pagpuna sa mga sablay ng gobierno, ngayon ay NO HOLDS BAR na ang kanyang mga tirada.
Binakbakan ni Lacson sina Pangulong Rody Duterte, Presidential Spokesman Harry Roque at Presidential Legal Chief Salvador Panelo.
Unang hambalos ni Lacson: “Nasaan ka bakuna?”, patama sa gobierno na nangutang ng P126.75 billion para pambili ng bakuna pero wala paring dumarating hanggang ngayon, maliban sa donasyon mula China at World Health Organization na pinagtutu-rok ngayon sa ating health workers.
Sagot ni Pangulong Duterte: “Ang buong akala kasi nila ‘yong pera na bilyon bilyon na ibinigay nila sa Kongreso, nandiyan na sa kamay natin, that’s it cold cash, at ang anuhin, nasaan na ‘yong pera? Sinasabi na natin time and again that the money is with the lending banks.”
Banat uli ni Lacson: “Simple question: Nasaan ka bakuna?”
Twisted answer: “Dadating na ‘yung babayaran natin na mga bakuna, doon pa sila dapat magtanong kung nasaan na ‘yung pera.”
Bakit defensive?
Bira naman ni Roque: “Ang masasabi ko lang po talaga, tumi-tindi po ang pulitika at dahil malapit na ang eleksyon, at gina-gamit talaga itong pandemya laban sa adminstrasyon.”
Sagot ni Lacson: “Really? Harry, are you serious? Just because I criticize, pamumulitika na? Wala akong tarpaulins. ‘Pag nagbibigay ako ng ayuda sa mga nasalanta ng bagyo at iba pang nangangailangan, tulong lang talaga kaya walang media coverage. I can enumerate to you privately if you want proof.”
Upak naman ni Panelo kay Lacson: “Subukan mo kaya? Mag-resign kang senador, ialok mo kay Presidente, ikaw nalang ang magpatakbo ng rollout. Anyway, implementation nalang, naghihintay nalang tayo ng supply, tingnan natin ang galing mo. ‘Di ba, kaibigan?”
Sagot ni Lacson: “Solution? How about getting competent people? How many opportunities were missed and lost? Who dropped the ball? Who is indecisive? Who is making money even in the middle of a pandemic? Think for a change, Sal”
Maging ang kaalyado ni Pangulong Duterte na Marcos ay numira narin:
Sabi ni Sen. Imee Marcos: “Why are we back at square 1 or worse, after a horrific year? Wag nang papalit-palit ng pangalan na circuit breaker kuno, pwe! Ang solusyon ay testing, tracing at higit sa lahat, nasan na ang bakuna!?”
Ang mga banat na ito ng mga senador na kilalang dikit kay Pangulong Duterte ay hindi na kayang salagin ng DDS. Kasi sila man ay buwisit narin sa isang taon nang lockdown at puros paasa sa bakuna. Mismo!
Sigaw ng numero unong kritiko ng Pangulo na si ex-Sen. Trillanes: “Solusyon sa malaking problemang ito ng bansa, ‘RESIGN Duterte’!”
***
Sino kaya itong alyas “Monchang” na empleyado raw ng munisipyo ng Cainta, Rizal na kung makaasta ay siya ang “Mayor” ng bayan.
Kinukunsinti raw kasi ito ng mayor dahil “bata” niya.
Oo! Masyado raw ma-papel itong si ‘Chang, wala namang posisyon sa munisipyo. At ang nakapagtataka pa raw dito ay kung paano nakapagpatayo ito ng malaking bahay at may magarang kotse pa. Hmmm…
Mayor, ‘bata’ mo nga ba itong si ‘Chang o ginagamit lang nito ang pangalan mo para magka-“raket” sa munisipyo?
Manmanan!
The post Word war: Lacson vs Duterte, Roque, Panelo appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: