BALAK ng NCAA na itutuloy ang 96th season sa susunod na Linggo, na may dalawang events na gaganapin virtually habang ang COVID-19 cases sa bansa ay patuloy na lumalaganap.
Sinabi ni Fr.Vic Calvo ng host school Colegio de San Juan de Letran, at chairman ng NCAA Management Committee, kahapon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum na “definitely” itutuloy.
“I know na ito ‘yung itatanong niyo, kung kailan… Malapit na. Mga few weeks or days na lang, we’re going to start the season,” dagdag pa nya,
Dahil sa restrictions na dulot ng COVID-19 pandemic, ang NCAA ay hindi kayang ilatag lahat ng events, pero garantisado ni Calvo magsasagawa sila ng kahit dalawang sports sa pamamagitan ng virtual platforms-chess at taekwondo.
“Right now, on the safer side of things, we have chess, kasi online naman ‘yun,” Wika ni Calvo. “And taekwondo, we have some poomsae and other online taekwondo competitions. This is in coordination with the PTA, the Philippine Taekwondo Association.”
Plano ng NCAA na ilatag ang apat na mandatory sports— basketball, volleyball, swimming at athletics. sa ngayon, ay pinag-pipilian pa kung ilulunsad ang basketball, volleyball, at beach volleyball.
Kinansela ng liga ang Season 85 noong Marso 2020 dahil sa crisis sa kalusugan ng publiko.
The post NCAA Season 96 itutuloy appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: