OPISYAL na pinapirma ng Rain or Shine Elasto Painters ang tatlong rookies na kanilang napili sa PBA Season 46 Rookie Draft Lunes na hapon.
Kinumpirma ni agent Marvin Espiritu ng EMBM na si Leonard “Santi” Santillan ay lumagda ng three-year deal sa prangkisa.
Kinuha ng Rain or Shine si Santillan fifth overall pick sa draft, para makasama ni veteran big man Beau Belga sa frontline.
Samantala, second round picks Franky Johnson at Anton Asistio lumagda ng dalawang taon at isang taon,ayon sa pagkakasunod.
Ang Elasto Painters ay nakuha si Johnson fifth overall pick sa second round,habang si Asistio ay 10th pick.
Sina Santillan at Johnson ay nahasa ang kanilang talento sa FIBA 3×3 circuit, habang si Asistio ay naglaro sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) matapos ang championship sa Ateneo de Manila University.
Ang tatlo ay miyembro na ng Rain or Shine ng bagong coach na si Chris Gavina,na pumalit sa puwesto ni longtime mentor Caloy Garcia.
Kinuha rin ng Rain or Shine si Andrei Caracut sa 11th pick sa second round,Kenneth Mocon sa third round,RJ Argamino sa fourth round, at Philip Manalang sa fifth round bago nag pass sa sixth.
The post Rookies Santillan, Johnson at Asistio lumagda sa Elasto Painters appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: